Crime incident sa Benguet bumaba sa loob ng 3 buwan

LA TRINIDAD, Benguet – Itinuturing na matagumpay ang inilunsad na “Operational Pulisteniks” ng Benguet Provincial Police Office (BPPO), na nagpababa ng crime volume sa loob lamang ng tatlong buwan o’ sa huling quarter ng 2019.

Bago matapos ang taong 2019, naitala ng BPPO ang pagsadsad ng crime volume sa kabuuang 7.99 percent decrease on crime incidents mula Enero hanggang Nobyembre 2019 (1,797), kumpara noong 2018 na 1,953 incidents sa magkaparehong period.

Nabatid na ang programang “Pulisteniks” ay isang strategy para paigtingin ang mga kampanya sa anticriminality operation,lalong-lalo na sa illegal drugs at insurgency campaign sa ilalim ng Simultaneous Anti-Crime Law Enforcement Operation (SACLEO) at community relations para palakasin pa ang kampanya sa peace and order.

Sa nakalipas 100 days na panunugkulan ni Provincial Director Police Colonel Elmer Ragay,noong Setyembre 1 hanggang Disyembre 10,2019, ay naitala ang 112 na pagkakadakip wanted person, na kinabibilangan ng isang Regional Top Most Wanted Person, 11 Provincial TMWP, 8 Municipal TMWP at 92 pang wanted sa iba’t ibang kaso sa ilalim ng Opan Manhunt Bravo at Oplan Tugis ng BPPO.

Sa nasabi ding period, 17 nuy-bust ang naisagawa na nagresulta ng pagkakadakip ng 17 drug personalities, na 2 dito ay napatay sa police operation. May kanuuang 60.750 gramo ng shabu ang nakumpiska na may DDB value na P413,106.12, samantalang sa marijuana eradiciation ay may kabuuang 11,810 fully grown marijuana plants ang sinunog na may DDB value na P3,891,160.00.

Anim na miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang boluntaryong sumuko, kabilang ang kani-kanilang armas, mula sa pinaiiral nan a National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa kauna-unahang pagkakataon ay pinasaya ang mga school children, techers,parents at BPATS sa bayan ng Itogon at Buguias mula sa mga regalo na ipinamigay mula sa programang Gift Giving Outreach Program ng BPPO, na ang pondo ay mula sa kinita sa Adivay 2019 Funshoot nila Ragay at Governor Melchor Diclas.

Ayon kay Ragay, malaki ang pasasalamat niya sa mga mamamayan ng Benguet na sumusuporta sa mga programa at proyekto ng kapulisan, lalong-lalo na sa anti-criminality campaign para sa peace and order ng lalawigan.

Hinangaan din ni Ragay ang ang 13 municipal police station sa kanilang dedikasyon para paigtingin ang peace and order, mga community service sa kani-kanilang nasasakupan at suporta sa kanyang liderato na lalo pang maingat ang kalidad ng pulisya sa lalawigan.

Ikinasiya naman ni Police BGen.Israel Dickson,regional director ng Police Regional Office – Cordillera ang malaking kontribusyon ng bawat provincial command para maibaba ang crime volume at mapanatiliti ang peace and order sa buong rehiyon.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon