Isang mabuting lupain na aangkinin

“Inyong maingat na gawin ang lahat ng utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito upang kayo’y mabuhay at dumami, at makapasok at angkinin ang lupain na ipinangako ng Panginoon  sa inyong mga ninuno.  At iyong alalahanin ang lahat ng paraan ng pagpatnubay sa iyo ng Panginoon mong Diyos nitong apatnapung taon sa ilang, upang kanyang pagpakumbabain ka, at subukin ka, upang malaman kung ano ang nasa iyong puso, kung iyong tutuparin ang kanyang mga utos o hindi.
Alamin mo sa iyong puso na kung paanong dinidisiplina ng tao ang kanyang anak, ay dinidisiplina ka rin ng Panginoon mong Diyos. Kaya’t tutuparin mo ang mga utos, ng Panginoon mong Diyos, lumakad ka sa kanyang mga daan, at matakot ka sa kanya.

DEUTERONOMIO 8:1-2, 5-6

Amianan Balita Ngayon