LINGAYEN, PANGASINAN – Siniguro ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Ilocos region na sapat ang suplay ng bangus para sa buong rehiyon, kabilang na ang pang-export sa ibang lugar, sa kabila ng fish kill sa mga bayan ng Anda at Bolinao.
Sa panayam kay BFAR Regional Director Nestor Domenden sa ginanap ng forum noong Hunyo 6, isiniwalat niya na ang kabuuang pinsala sa kamakailang fish kill ay katumbas ng 0.7 porsiyento lamang ng kabuuang production ng rehiyon sa isang taon.
Ani Domenden, ang rehiyon ay self-sufficient sa bangus production, at makakapagpatuloy ng pag-eexport sa ibang lugar, lalo na sa Metro Manila, dahil ang rehiyon ay 127-percent sufficient.
“While it’s true that 964 tons of losses are not a joke, it is only 20 percent of production of the 123 structures in said areas,” aniya.
Ang kamakailangang fish kill sa mga bayan ng Anda at Bolinao, na nagresulta sa pagkalugi sa 964 toneladang bangus, ay hindi makakaapekto sa bangus industry sa bansa, ani Domenden.
Samantala, plano ng BFAR na makipag-usap kay Mayor Aldrin Cerdan ng Anda at Mayor Arnold Celeste ng Bolinao sa susunod na linggo tungkol sa fishpen moratorium.
“The BFAR has no police powers, so the local government unit has to take the reins in the enforcement,” ani Domenden.
Kabilang sa moratorium ang plano, relokasyon o pagtutuklas ng alternatibong lugar ng mariculture, kung maaari ay sa loob ng Lingayen Gulf.
Suhestiyon din ng BFAR ang paggamit ng rope frame cases bilang pamalit sa mga fish cage.
“A more permanent solution would be removing the structures blocking the flow of water, so that waste materials would not settle underneath,” ani Domenden.
Noong 2016, natuklasan ng BFAR ang tatlong metrong muck o waste materials sa ilalim ng Caquiputan Channel.
Samantala, sa lungsod ng Dagupan ay nasamsam ng otoridad ang 17,617.5 tonelada ng bangus mula sa apektado ng fish kill na lugar sa Pangasinan noong Hunyo 2 hanggang 4.
Sa panayam kay City Agriculture Officer Emma Molina, sinabi nito na nahuli ng Dagupan City Police ang tatlong cargo trucks na naglalaman ng bangus na minamaneho ni Perfecto Cacho, Lorence Espinocillia, at Richie Cano noong Hunyo 2.
Ani Marjorie Villanueva, aquaculture technologist sa City Agriculture Office (CAO), ang mga tindero ng isda sa public market ang nag-ulat ng kahina-hinalang bagsak-presyo ng bangus na itininda sa kanila.
“One banyera weighs 30 kilos. If each banyera is being sold for P1,000 each, then we have about P30 per kilogram of milkfish, which to the vendors is suspicious considering that there was massive fish kill in some towns in Anda and Bolinao,” aniya.
Ani Molina, ang mga truck driver ay hindi nagpakita ng auxiliary invoice o anumang dokumento, na magpapatunay na ang mga bangus ay magandang ani at ligtas para sa konsumo ng tao.
Aniya, may ilang isda na sinuri ng City Health Office (CHO) at ng CAO, at kalauna’y idineklarang hindi ligtas na kainin.
Inihayag ni City Health Officer Dr. Ophelia Rivera na ang konsumo ng bangus mula sa fish kill ay maaaring humantong sa allergic reaction, pangangati gayundin ang sakit sa tiyan at pagtatae o loose bowel movements.
Ani Molina, ang mga nakumpiskang bangus ay ibabaon sa open area ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bonuan Binloc dito.
Paglabag sa City Fishing Ordinance No. 1768-2003 73 dahil bigong makakuha ng Auxiliary Invoice, Presidential Decree 856 at City Ordinance No. 1927-2009 o Sanitation Code (No Sanitary Permit at Health Certificate Card), at iba pang mga kaso ang ipipila laban sa mga suspek.
Samantala, nag-issue si Mayor Belen Fernandez ng standing order sa CAO, Dagupan Police at CHO upang doblehin ang seguridad sa palengke 24/7 upang maiwasan ang pagpasok ng mga fish kill na bangus, mula sa mga bayan ng Anda at Bolinao.
Sa pagsunod sa utos, mas marami pang banyera ng bangus na itinitinda ng P1,000 ang nakumpiska noong Hunyo 4, na nagresulta ng mahigit 17,000 tonelada ng bangus na nasamsam ng mga otoridad. A.PASION, PNA / ABN
June 10, 2018
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024