Kauna-unahang PNP station tatayo sa Atok, Benguet sa 2020

LA TRINIDAD, Benguet – Magkakaroon na sa k a u n a – u n a h a n g pagkakataon ang bayan ng Atok ng probinsiyang ito ng isang Philippine National Police (PNP) station matapos ang groundbreaking ceremony sa lugar noong Miyerkoles kung saan ito itatayo.
Sinabi ni Maj. Leo Danasen, chief ng Benguet Provincial Police Office Logistics division na naglaan ang PNP ng PhP4.79 milyon para sa konstruksiyon ng isang standard “B” category police station.
Magiging isang tatlong-palapag na gusali ang police station na ang ikatlong palapag nito ay para sa functions, meetings, training at iba pang mga aktibidad.
Magkakaroon ito ng isang “client-friendly room” para sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD), isang maluwag na lugar para sa iba’t-ibang section ng istasyon kabilang ang lugar para sa filing ng mg dokumento, isang living quarters para sa mga opisyal ng police na hindi mula sa bayan, at detention cell.
Inaasahang makukumpleto ang proyekto sa 2020. Noong 1992, pinayagan ng munisipiyo ang PNP na gamitin ang isang gusali sa tabi ng town hall. Nagpatuloy ang paggamit nito hanggang madiskubre na wala palang sariling “bahay” ang PNP sa Atok.
Nang gibain ang 29-taong gulang na gusali noong Oktubre ng taong ito ay nakakita ang PNP ng pansamantalang istasyon sa ikatlong palapag ng municipal agriculture office.
Noong 2017 ay nagsagawa ang Atok municipal government ng isang Deed of Donation at ipinasakamay ang orihinal na certificate of title sa PNP noong Abril 2018.
Sa isang naunang panayam ay sinabi ni Atok Mayor Raymundo Sarac na ang bagong gusali na itatayo sa isang 172-square meter na lote ay sasalamin sa imahe ng mabuting serbisyo mula sa police.
“Ang police visibility ay mahalaga at ang mamamayan ay pupunta sa police station at titingnan ang isang bukas at mabuting gusali na may impresiyon na mapagsisilbihan sila ng maayos ng police,” sabi niya sa Ilocano.
Sinabi ni Sarac na ang papel ng police sa Atok na malapit sa Halsema highway ay hindi lamang upang siguruhin ang kapayapaan at kaayusan kundi rumesponde rin sa mga emergencies dahil ang lugar ay isang accident-prone area.
 
PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon