Lalaki natagpuang patay sa sariling kuwarto

Natagpuang isa nang bangkay sa sarili nitong kwarto ang isang trabahador sa Evangelista Street, Road 2, West Bayan Park/Leonilla Hill, Aurora Hill noong Nobyembre 13, 2018.
Kinilala ang biktima na si Enrique Briones Magarde, 55 anyos, construction worker, at residente ng naturang lugar.
Sa ulat ng Baguio City Police Office, dakong 10:35am ng naturang araw ay ipinagbigay alam ni PInsp. Jonathan O. Dumling sa isang tawag ang natanggap na ulat mula sa barangay officials ng Leonilla Hill Barangay tungkol sa bangkay na natagpuan sa isang kwarto na gawa sa light materials o isang shanty.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Station 6 kasama si Barangay Kagawad Roberto De Vera at personnel ng Baguio City Crime Laboratory Office/SOCO sa pangunguna ni PCI Angeline B. Amangan.
Lumabas sa imbestigasyon na dakong 9am ng naturang araw nang ang kaibigan ng biktima na si Ugenio Lorete Bondad, legal age, residente ng East Bayan Park, Aurora Hill ay binisita ang biktima sa tinitirhan nito ngunit nagulat na lamang ito nang makita si Magarde na nakahiga at wala nang buhay sa kuwarto nito.
Agad niyang inireport ang insidente sa mga barangay officials.
Walang nakitang ibidensya ang mga pulis na may nangyaring gulo at lahat ng pag-aari ng biktima ay hindi nagalaw.
Sa panayam sa mga kapitbahay nito ay wala umanong napansing kakaiba sa lugar bago ang insidente.
Sinabi naman ni Angelita Navarro, live-in partner ng biktima, at iba pang kamag-anak at kaibigan ng biktima na ito ay may hypertension.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng SOCO Team kasama si Dr. Hector Sorra, NUP, ay walang nakitang external injuries sa bangkay at nalaman na mahigit 24oras na itong namatay sanhi ng natural death dahil sa “uncontrolled hypertension”.
Ang ate at live-in partner ng biktima ay tumangging isailalim sa post-mortem o autopsy ang bangkay nito na dinala sa Baguio Memorial Chapel.

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon