Lingap at malasakit

Sa pangunguna ni La Trinidad Mayor Romeo K Salda, kasama sina Genevieve W. Degay-Municipal Health Officer, ilang LGU’s officials at mga frontliner ay buong kagalakang tinanggap ang ayudang ipinagkaloob ng IGLESIA NI CRISTO para sa mga frontliners/health workers sa munisipalidad ng La Trinidad, Benguet bilang bahagi sa paglingap nitong kasagsagan ng Corona Virus Disease – 19 na halos laganap na sa buong mundo.
Ang naturang tulong tulad ng Personal Protective Equipment (PPE’s), face mask, face shields, gloves, 70% ethyl alcohol at sacks of rice ay personal na iniabot sa pamamagitan nina Benguet District Minister Bro. Wilson Cayago, Asst. District Ian Manalata at katuwang rin nag-assist ang SCAN International sa pangunguna ni Benguet Chapter President Bro. Joel Aganon na ginanap sa covered court, Municipal ng La Trinidad noong June 3, 2020.
Kuha ni Wilfredo Rulloda/ABN
 

Amianan Balita Ngayon