Mahigit PhP4-M TUPAD projects handog ng DOLE sa 4 na bayan sa Ilocos Sur

ILOCOS SUR – Kamakailan ay inihandog ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Ilocos ang mahigit PhP4-milyon halaga ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) projects na mabibiyaan ang 900 informal sector workers sa probinsiya kamakailan.
Pinamunuan ni DOLE Ilocos Regional Director Nathaniel Lacambra ang pamimigay ng tulong ng TUPAD na bahagi pa rin ng kontribusyon ng ahensiya sa implementasyon ng mga hakbang sa recovery at rehabilitation sa ilalim ng Republic Act 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).
Ang mga tsekeng nagkakahalaga ng PhP1,898,560.00; PhP1,060,800.00 at PhP968,320.00 aay ibinigay sa mga munisipalidad ng Sta. Cruz, Suyo at Alilem noong Disyembre 4 upang mabenepisyuhan ang 722 manggagawa.
Sa kabilang banda, ang bayan ng Lidlidda at tumanggap ng PhP968,320.00 para sa 178 benepisaryo noong Disyembre 5.
Ang TUPAD ay isang community-based pakete ng tulong para sa mga displaced workers, under-employed at seasonal workers para sa isang minimum period na 10 araw, ngunit hindi lalagpas sa maximum na 30 araw, depende sa uri ng trabaho na gagawin.
Para sa apat na tumanggap na bayan, ang mga benepisaryo ay magtratrabaho sa sanitation at disinfection ng mga barangay sa loob ng 16 na araw.
Sa kabila ng magtratrabaho sa loob ng apat na oras sa isang araw, ang mga manggagawa ay tatanggap ng PhP340.00 na siyang highest prevailing minimum daily wage rate sa rehiyon ng Ilocos. Maliban sa kanilang mga sahod, ang mga benepisaryo ay mabibigyan ng personal protective equipment (PPEs), group personal accident insurance at Occupational Safety and Health (OSH) orientation sa pamamgitan ng pamamahagi ng leaflets.
Sakop sa ilalim ng programa ay ang mga self-employed na may elementary occupations at hindi nabayaran na familt workers gaya ng mga driver, vendor, mangingisda, crop-grower, home-based workers at iba pang skill-based na manggagawa.
Gayunman, magiging prayoridad ang informal sector workers na nag-apply noon o bago Abril 30, 2020 ngunit hindi natulungan sa ilalim ng TUPAD Barangay Ko, Bahay Ko (#BKBK) Disinfection/Sanitation Project at TUPAD bilang post-enhanced community quarantine (ECQ) intervention.
“The projects will be implemented in partnership with the four local government units, Office of Second District Representative Kristine Singson Meehan, and Ang Probinsyano Partylist Representative Jose “Bonito” Singson, Jr.,” ani Director Lacambra.
AMB-PIA IS/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon