MAKAKABUTI BA ANG PEOPLES INITIATIVE SA TAONG BAYAN?

BAGUIO CITY

Samutsari ang kaisipan ng bawat Pilipino sa isinusulong ng Mababang Kapulungan o ng House of
Representatives sa pamumuno di umano ni Speaker Ferdinand Romualdez at nang iba pa nitong
kaalyansang mga kongresista na amendahan ang ilang probisyon ng Saligang Batas ng Pilipinas (Constitution of the Republic of the Philippines 1987) na diumano ay obsolete na at kailangan na umanong umayon sa makabagong Pilipinas na angkop sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Ayon kay Cris Tandoc, isang residente ng Lunsod ng Baguio na nakapanayam ng peryodikong ito na aniya ilalahad lang niya ang kanyang hinaing at kaisipan sa isinusulong na Peoples Initiative ng ilang miyembro ng Kongresista ana aniya “para sa akin ang amendment sa ilang probisyon ng Constitution ay kailangan ng palitan o amendahan upang maging angkop ito sa pamumuhay ng
ating bansa at kailangan na pagaralang mabuti kung ito nga ay makakabuti sa kapakanan ng ating mga mamamyan at hindi para sa mga pulitiko na may sariling agenda lamang na papabor sa kanilang pangangailangan dapat ayon sa pangangailanagn ng mga Pilipinong naghihgirap na ng
ilang daang taon”.

Dapat din aniya na maglabas ng kanilang opinyon at saloobin o ideya ang ating mga kababayan hinggil sa nasabing Peoples Initiative upang marinig ng pamahalan maging pabor man o hindi ang
mahalaga nasabi natin ang ating ideya o sushestiyon sa nasabing pagsusulong ng Peoples Initiative. Sa lunsod ng Baguio hanggang sa ngayon ay wala pang nababalitaang nagsasagawa ng signature
campaign hingil sa Peoples Initiative gaya ng ilang lalawigan sa bansa na kung saan ay ma lumalakad na signature campaign .

Aniya “kung kailangan na manghikayat ako ng mga tao na pipirma sa nasabing Peoples Initiative
ay gagawin ko kung ito ay makakatulong at makakabuti sa ating mga kababayan “. “ Gusto ko ring maliwanagan kung ano itong isinusulong na amendment dapat din na malaman ng bawat Pilipino kung ano ang advantage at disadvantage ng amendment nito” ayon pa kay Tandoc. Inaasahan niya na matutulungan ang mga tao sa nasabing amendment ng nasabing probisyon ng Saligang Batas.

TAFP/ABN

Amianan Balita Ngayon