Mga huling eksena ni Digong sa 2018

Jan 10, 2019

Pinaka-kontrobersiyang upak ng Pangulong Duterte sa taong 2018 ang humagupit sa hanay ng kaparian. Sabi nga nila, grabe ito dahil katumbas na ito (diumano) ng kawalan ng paggalang sa Simbahang Katoliko at pati na raw sa Diyos. Pero kung ating suriing maigi, ang pinatutungkulan ni Digong ay ang diyos ng tinutukoy na sekta at hindi ang kanyang diyos. Na ang daplis, iba ang turing nitong panginoon sa sinasamba ng mga Obispo. Mapait na katotohanang parang ibinabalik tayo sa sinaunang panahon na kung saan mga taong-simbahan ang kalaban ng estado, na sila ang tinaguriang may kamay na bakal sa panahong yaon.

Sabagay, hindi ba mga taong-simbahan pa nga ang nangatakot sa mga turo noon ng Poong Hesus hanggang sa gumawa sila ng daan upang ang Anak ng Diyos ay mapako sa krus at sagipin ang tao sa pagkakasala. Tsk tsk, ibig bang sabihin ay parang nagbabalik ang mga pahimakas ng nakaraan sa kasalukuyan? Kayo na ang kumilatis, mga kabayan. Kasi sa ganang amin, iisa ang ating Panginoon, magkakaiba lang ang paraan kung papano Siya sambahin at sundin kaya nagkakaroon tayo ng hidwaan at pagkakaiba ng diwa sa pananampalataya. Sabi nga nila: patawarin mo sila dahil alam nila ang kanilang ginagawa. Ang eksenang ito ay muling nagkaroon ng karugtong na kontrobersiya: nang dumating ang tatlong Balangiga Bells mula sa kamay ng mga dayuhan. Nakipagharap si Digong sa mga Obispo at matataas na kinatawan ng Simbahang Katoliko at kinakitaan ito ng paggalang o respeto. Haayy buhay, tao nga tayo, di ba?

******

Isa pang mabigat na kontrobersiyang iiwanan ng taong 2018 ay ang upak ni Pres. Duterte kontra sa NPA. Iniutos nito sa AFP na durugin na ang mga ito. Ngunit may kontra-upak naman si CPP-NDF-NPA founder Joma Sison: si Duterte mismo ang recruiter ng mga NPA. Ipinaliwanag ni Sison na dahil diumano sa mga di makatarungang asal at gawa ng pangulo kaya marami (daw) ang napipilitang sumapi sa NPA bilang protesta. Ngunit kamakailan lamang, may isang dating opisyal ng Higher Organ Legal at Unification Committee at Political Officer (Ka Danny) ang pumiyok at inilantad ang sinasabi nitong panlilinlang ng CPP-NPA-NDF. Ang tinutukoy nito ay ang pagtataya nila ng kanilang buhay sa digmaan sa likud ng marangyang pamumuhay ni Joma Sison at ilang miyembro ng Higher Organ sa ibang bansa at sila ang nagpapasasa sa pondo ng partido. Mabigat ang akusasyon na pumutok kasabay ng ika-limampung anibersaryo ng pagkakatatag ng naturang grupo. Katunayan, ayon sa AFP, nilabag ng NPA ang idineklarang unilateral ceasefire nitong Kapaskuhan matapos nilang paputukan ang tropa ng military na nauwi sa bakbakan sa isang bahagi ng Rodriguez, Rizal. Nakakalungkot bagama’t patuloy din ang ginagawang pagsuko ng ilang kasapi ng NPA sa parteng Agusan de Sur at Compostela Valley.

******

Liban sa usaping-pulitikal, ang tensiyon sa pagitan ni Digong at ng Simbahang Katoliko at ng mga terorista o rebelde ang pinakamatinding mantsang iiwan ng taong 2018. Ang malaking katanungan ay iisa: hanggang kailan kaya ang giyerang ito? Kung wala na kaya si Digong sa poder, magpapatuloy pa rin kaya ang mga hidwaang ito? Magpapatuloy pa kaya ang mga kontrobersiyang ibinunga ng masamang timplada ng galit at tilamsik ng dila? Baka naman dahil sa mga panloob na mga kontrobersiyang ito ay makakalingat tayo at lalong magiging higante naman ang problema natin sa mga sakop ng bansa na sinasakop na ng mga dayuhan. Diyos na mahabagin, huwag mo kaming hayaan na lamukusin sa kuko ng mga agilang maaring mang-api sa aming lahi. Huwag sana ninyong ipahintulot na masira ang pundasyong ipinaglaban ng aming mga bayani upang kami’y magkaisang hihimay sa tuwid na landas na dapat naming tahakin sa hinaharap. Amen. Happy New Year sa lahat mula sa Amianan at Luzano Daplis family. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

Pag-Upo ni BBM…. Ano kaya????

Habang sinusulat ang espasyong ito….ilang araw na lang, uupo na bilang pangulo ng bansa si BBM. Marami ang nananabik bagama’t may mga...

Dumi ng pulitika….. Salot sa lipunan!

Tapos na ang halalan. Inagurasyon para sa pagkapangulo at bise, hinihintay. Exit ni Pres. Duterte at entrada ni BBM sa Malakanyang…ilang...

BBM-Sarah Proklamado na!

Sa wakas sa ganap na alas 6:42 ng gabi ng Mayo 25, pagkatapos ang napakabilis na canvassing…naiproklama na bilang pangulo at ikalawang...

Sabuyan ng putik… Lalong grumabe pa!

Abril na. Kulang na lang sa apatnapung araw ang kampanyahan…eleksiyon na. Marami ang sabik. Marami rin ang inis. Ang dahilan – lalong...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest