NPA official, 2 pa patay sa Baguio

BAGUIO CITY – Isang mataas na opisyal ng New People’s Army at dalawang aide nito ang napatay sa isinagawang warrant of arrest at searc h warrant operation ng pulisya, noong umaga ng Marso 13 sa No.10 Hamada Subdivision, Lourdes Subdivision Extension, Baguio City.
Kinilala ni Police BGen. R’win Pagkalinawan, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, ang napatay na si Julius Soriano Giron, alias Terro/Zoilo/Tatay/Lakay/Seling/Jerry Lopez and Jovito Giron.
Ayon kay Pagkalinawan, si Giron na nahaharap sa kasong Rebellion, Murder, at frustrated murder, ay tinaguriang chairman ng National Military Commission of the Communist Party of the Philippines-New People’s Army at acting chairman, Central Committee of the CPP/NPA; POLITBURO and EXECOM CPP member at Concurrent head of Northern Luzon Commission.
Sa report, magkakasanib na tauhan ng Philippine Army, NCRPO, PRO-Cordillera at Baguio City Police Office, kasama ang NOLCOM; 503Bde, 5ID, PA; CMOR, PA at CRSAFP ay nagsagawa ng law enforcement operation laban sa suspek sa hideout nito sasa nasabing lugar, dakong alas 3:30 ng umaga.
Habang isinasagawa umano ang warrant of arrest at search warrant sa lugar, isang lalaking di-pa nakikilala na pinaniniwalaang miyembro ng N2, NMC at nagsisilbing security aide at isang Lourdes Tan Torres/Ma Lourdes Dineros Tangco, alyas Tita, Execom Member, National Health Bureau, CPP at pumalag hanggang sa magkaroon ng barilan.
Narekober sa mga nabanggit na Communist Terrorist Group (CTG) personalities ang isang M16 Rifle (chamber loaded); isang Colt Cal 45 (chamber loaded); isang Rock Island Cal 45 (chamber loaded); tatlong hand grenades; isang pcs. long stainless magazine for M16 with ammo; isang laptop, 3 cellphones, ai isang1 USB.
 
Zaldy Comanda/ABN
 

Amianan Balita Ngayon