P266.87 milyon naibigay na pension sa mga Cordillera Senior Citizen

Kinumpirma ng tanggapan ng Department of Social welfare and development na umabot sa P266.87 na milyong halaga na ang kanilang mga naibigay na pension sa mga senior citizen sa buong Cordillera sa loob lamang ng ilang buawan habang nasa ilalim ng Pandemya ang reihiyon ng Cordillera.

Ito ay isinalaysay ni Amelyn Cabrera, assistant regional director ng DSWD-Cordillera sa naganap na kapihan sa Baguio sa pangunguna ng PIA-CAR at ng Cordillera Associations of Regional Executives (CARE).

Ayon kay Cabrera sinabi niya na sa unang semester ng taong ito 2020, ay nakinabang ang halos 88, 959 na senior citizen sa Cordillera na kung saan ay nakasama sa program ng DSWD.

Umabot sa 266.87 milyon aniya ang kanilang naipamahagi sa mga senior citizen mula buwan ng Enero hanggang sa buwan ng Hunyo. Mula sa lalawigan ng Abra may 21,070 na senior citizen ang nabigyan ng pension, 9,809 naman mula sa Apayao, 1,777 mula sa Baguio City, 18, 625 mula sa Benguet, 14, 555 mula Ifugao, 13,759 naman mula sa Kalinga at 9,305 naman sa Mountain Province.

Under the DSWD Social Pension Program, enlisted beneficiaries are entitled to P500 stipend per month to augment their subsistence and other medical needs.

Nabigyan ani Cabrera ang 29 na centenarians o mga taong umabot ng 100 years old ng tig P100,000 ito ay nakapaloob sa Centenarian Act of 2016 na ang gobyerno ay may obligasyon na magbigay ng P100,000 bilang appreciation sa mga taong umaabot ng 100 taon na malakas at malusog pa.

PIA-CAR

Amianan Balita Ngayon