P50.7M inilaan sa upgrade ng Lingayen Airport

LINGAYEN, PANGASINAN – Naglaan ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng kabuuang P50.7 milyon para sa asphalt overlay ng runway, pagpapaayos ng perimeter fence, pagpapatayo ng one bay fire station building, pagpapatayo ng staff house at iba pang upgrading projects para sa Lingayen Airport ngayong taon.
Isiniwalat ni Lingayen Airport manager Job De Jesus na ang pagpapatayo ng fire station building na nagkakahalaga ng P3.5 milyon ay nakatakdang simulan ngayong Hulyo.
“We have just finished with a pre-construction conference and the contractor will mobilize to start the construction this week,” ani De Jesus sa isang panayam noong Hulyo 11.
Ang asphalt overlay sa runway, na may pinakamalaking alokasyon na P27.7 milyon, ay isasailalim sa panibagong bidding dahil ang nahuling bidding na isinagawa para sa proyekto ay hindi pumasa.
Gayunpaman, siniguro niya na ang nakalinyang upgrading ng airport ay matutuloy ngayong taon.
“It (upgrading) will definitely start this year. July to October will be the procurement months for the other constructions and after that, the implementation will start,” dagdag niya.
Ang apron concreting na may drainage canal at pagpapagawa ng runway canal na nagkakahalaga ng P10 milyon; improvement ng perimeter fence na P8 milyon; pagpapatayo ng staff house na nagkakahalaga ng P1.5 milyon at pagtustos sa karagdagang septic tank na P75,000; ay bahagi rin ng total upgrading project ng aiport, ani De Jesus.
Sinabi pa niya na ang kanilang layunin ay para ma-accommodate ng airport ang mga commercial flights, na siya ring pakiusap ng mga mamamayan sa lugar na ito.
“We are catering to general aviation, but at present, only small aircraft, usually flight training planes for students from aviation schools are using the airport here,” ani De Jesus.
Dagdag pa niya na ang kanilang susunod na project proposal para sa airport ay ang development ng runway, na may sukat na 1,040 meters by 30 meters lamang, pagpapagawa ng turn-around pad sa dulo ng runway at upgrading ng runway surface.
Ang Lingayen Airport ay may kabuuang land area na 10.4 hectares. H.AUSTRIA, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon