P500-K pabuya sa ikadarakip sa pumatay sa konsehal ng Ilocos Norte

Suidad ng Ilocos Norte – Nag-alok ang lokal na gobyerno ng Sarrat, Ilocos Norte sa pangunguna ng mayor nito ng PhP500,000 na pabuya para sa anumang impormasyon upang makatulong sa ikadarakip ng dalawang katao na bumaril kay Apolonio Medrano konsehal ng bayan noong Disyembre 6.
Ipinahayag ni Mayor Remigio Medrano, kasama si Vice Mayor Virgilio Agoto ang pabuyang halaga sa isang press conference noong Martes(Disyembre 7) sa munisipiyo.
Hindi magkamag-anak ang mayor at ang napaslang na konsehal. Sinabi ni Medrano na ang PhP300,000 ay magmumula sa kaniyang sariling bulsa habang ang PhP200,000 ay manggagaling sa kaban ng munisipiyo sa pamamagitan ng naangkop na ordinansa.
“We are offering a reward money that could lead to the arrest of the perpetrators of this barbaric act,” ani Medrano na inaming nasa pagkabigla pa rin ang bayan.
Iniulat din ni Ilocos Norte police provincial director Christopher Abrahano na isang Special Investigation Task Group at ang Intelligence Unit ng Philippine National Unit ay magkasamang nagsasagawa ng isang malalimang imbestigasyon na maaaring humantong sa motibo.
Maaaring makatulong ang pabuyang pera, sinabi ni Abrahano na maaari din itong manghikayat ng pagkalap ng maling impormasyon na makakaantala sa imbestigasyon.
“There are two persons of interest that we are looking at the moment and hot pursuit operation is ongoing,” aniya, na sinisiguro na ang kapulisan ay nasa ibabaw ng sitwasyon.
Inilagay sa half-mast (gitna ng tagdan) ang bandila sa Sarrat Municipal Hall habang ang bayan ay nagluluksa pa rin sa pagkamatay ni Medrano. Ang re-eleksiyonistang konsehal ay pinagbabaril ng riding in tandem na mga suspek sa harap ng gusali ng munisipiyo, ilang minuto matapos dumalo sa flag-raising ceremony.
Ayon sa mga saksi, sinabi police na tumakas ang mga salarin patungo sa silangang direksiyon matapos ang insidente.
Idineklarang dead on arrival ang biktima sa isang malapit na ospital habang isang checkpoint operation ang agarang itinatag upang masaabt ang mga suspek. Si Medrano na isang dating police intelligence officer ay idinawit sa pagpatay kay DZJC broadcaster Roger Mariano, subalit ang kasp laban sa kaniya ay napawalang-saysay noong 2010 dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Sa iang facebool post ay nagbigay-pugay ang pamahalaan ng munisipiyo kay Medrano para sa kaniyang walang-imbot na serbisyo publiko para sa mamamayan ng Sarrat.
“You will always be remembered as the Sanggunian “KP” who fought for the cause of the farmers and underprivileged,” aniya.
(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon