P732,000 inilaan para palitan ang 100 takip ng manhole sa Dagupan

LUNGSOD NG DAGUPAN – Gagastos ng P732,000 ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Second Engineering District ng Pangasinan upang mapalitan ang halos 100 manhole ng bagong takip sa susunod na buwan.
Sinabi ni Bernard Caronongan, district information officer ng DPWH-Pangasinan, na ang proyekto ay nai-bid out noong Mayo 15.
“There are destroyed manhole covers particularly in the city which needs to be fixed for the safety of the motorists and the people,” aniya sa naganap na Kapisanan ng mga Brodkasters sa Pilipinas forum noong Mayo 24, 2018.
May mga naiulat noong nakaraan na mga aksidente dahil sa open manholes o pansamantalang takip ng manhole sa lungsod.
Sinabi ni Caronongan na ang kanilang district office ay magsasagawa rin ng operasyon na magtatanggal ng mga bara sa drainage at bagong pintura ng mga pedestrian lane bilang suporta sa Brigada Eskwela school clean-up program ngayong taon. H.AUSTRIA, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon