San Roque Dam, handa na sa tag-ulan – Napocor

LUNGSOD NG DAGUPAN – Inihahanda na ng National Power Corporation (Napocor) at ng San Roque Power Corporation (SRPC) ang San Roque Dam para sa panahon ng tag-ulan at iniulat ang pagtatapos ng isinagawang major rehabilitation dito.
“We are glad that it (rehabilitation) was already finished before the rainy season starts,” ani Napocor spokesperson Maria Odette Rivero sa ginanap na Kapisanan ng mga Brodkasters sa Pilipinas chapter forum sa Pangasinan noong Mayo 24, 2018.
Sinabi ni Rivero na ang Napocor at SRPC ay regular na nagsasagawa ng inspeksyon at gateway testing upang masiguro ang seguridad ng dam at komunidad na nakapalibot sa San Manuel, Pangasinan.
“We do semi-annual dam safety inspection every June and December, while the spillway gate testing is done annually,” diin niya.
Pinayapa rin ni Rivero ilang alalahanin ng mga magsasaka at residente tungkol sa posibleng kakulangan ng suplay ng tubig para sa patubig at kuryente.
Tiniyak niya na di tulad ng La Mesa Dam na nasa pinakamababang antas ang tubig ayon sa mga ulat, ang level ng tubig sa San Roque Dam ay nananatiling nasa normal na 238.86 meters above sea level bandang 8am ng Mayo 24.
“The water level is within the upper rule term and it is still on the comfortable level of the dam. It would still be sufficient enough to be used for water quality, power generation and irrigation for Pangasinan and Tarlac,” dagdag ni Rivero. H.AUSTRIA, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon