Pagpapakamatay tumaas sa panahon ng ECQ

LUNGSOD NG BAGUIO – Naalarma ang ng awtoridad sa tila pagtaas ng mga insidente ng pagpapakamatay, kahit sa mga kabataan sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Inihayag ni Baguio City Police Office (BCPO) chief Police Colo. Allen Rae Co na sa umpisa ng ECQ noong Marso 16, 2020, nasa 8 insidente ng pagpapakamatay ang naitala.
Lahat ng insidente, ayon kay Co ay may kaugnayan sa mga restriksiyon at stress s at iba pa dahil sa giyera kontra coronavirus disease (COVDI-19). Tinukoy niya ang isang 64 anyos na lalake na umano’y biktima ng pagpapakamatay.
Nalungkot siya habang hinihintay ang resulta ng kaniyang test sa COVID-19 at nagpatiwakal. Nang dumating ang resulta ng pagsusuri ay nag-negatibo siya.
Sinabi ni Co na linaniman nila ang imbestigasyon sa ika-walong kaso ng isang pitong taong gulang na lalaki, na tila pisikal na naabuso at may suspetsang sinakal siya ng kaniyang tiyahin.
Mainitin ang ulo ng tiyahin at lagging pinagbubuhatan ng kamay ang bata, sinabi ni Co ayon sa mga nag-imbestiga.
Sinabi niya na maaaring sanhi din ito ng “pressures” sa mga restriksyon. “Such case like these together with other violence are happening at Baguio homes while the people are on quarantine, is alarming.”
Ayon kay Co, ang hinay-hinay na mga hakbang sa pagpapaluwag ng mga restriksiyon sa paggalaw ay makakatulong ng malaki sa pag-relax ng mga isip ng mga residente.
Umaasa siya na sa hakbang na ito ang stress na nararanasan ng mga tao ay mababawasan at matitigil ang depresyon.
Sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na kinukuha nila ang tulong ng isang grupo na nag-alay ng kanilang mga serbisyo upang matulungan ang mga taong na-stress at nakakaramdam ng depresyon.
Sinabi niya ang grupo ay binubuo ng mga propesyunal na dumaan din sa parehong sitwasyon ngunit nakarekober na ngayon, nais nilang tumulong. Hinikayat niya ang mga tao na nais matulungan na tawagan sila at darating sila para sa counseling.
Sinabi ng Mayor na nadedepress ang mga tao dahil hindi sila makalabas at ipagpatuloy ang dati na nilang ginagawa.
Sinabi pa ni Magalong na nagkakaroon din sila ng isang stress debriefing sa mga opisyal ng barangay sa lungsod. Sinabi niya na marami sa kanila ang nakakaramdam ng stress dahil sa pagaasikaso sa kanilang nasasakupan sa panahon ng ECQ.
Lumikha ang pamahalaang lungsod nga mga espesyal na araw para sa senior citizens at sa mga special kids para makalabas sila. Sinabi ni Magalong na ito ay upang mabigyan sila ng preskong hangin at makapag-relax sa mga parke at iba pang lugar upang maibsan ang kanilang stress.
AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon