PANAWAGAN: MAG-BOOSTER NA

Nov 20, 2022

TULAD NG pinangangambahan, bigla ang pag-akyat ng mga numero. Isang linggo pa lang ang nagdaan, ang mga kasong nasa trenta pataas na average daily rate ay biglang lomobo sa 46! Hindi na kailangang
tanggihan ang mga numerong ating naililista sa araw-araw. Mismo an gating Ama ng Lungsod, si Mayor Benjie ay hindi nagpatumpik-tumpik sa pagbibigay ng kaukulang babala. Sa isang panawagan ngayong araw ng Webes, daglian niyang isiniwalat ang biglaang pagtaas ng mga covid cases.

Sinundan pa niya ng babala na dapat ng hikayatin ang mga kababayang nagtratrabaho sa araw araw na
sumailalim sa antigen test. Ibig sabihin, hindi na biro-biro ang mga pangyayari. Matatandaang nitong mga
huling linggo, atin ng pinagmamasdan ang mga numerong nakarehistro ukol sa mga covid cases. Nagsimula sa 12, umakyat sa 31, humimlay sa 34. Ito ang mga bilang ng mga bagong covid cases sa arawaraw nito lamang nakaraang linggo. Yung 12, biglang akyat sa 31, at sa sumunod na araw, naging 34.

Kung ang mga numero ay medyo nasa a-trenta, aba, hindi na ito biro-birong dapat ipag-walang bahala. Covid cases ito na unti-unti ay lumalampas na sa mga pasampu- sampu’t dalawampo. Mukhang seryoso na ang pagangat ng mga kaso. Ang panawagan ni Mayor Benjie ay kanya pang sinundan ng pahayag na kung ang mga nasa opisinang pribado o publiko ay walang akmang panahon upang sumailalim sa
antigen test o kaya naman ay bantulot na mag-pa bakuna o booster shots, mismong mga vaxx service crew ng city health services office ang siyang bibisita sa kanila.

Ibig sabihin, si Mohammad na ang aakyat sa bundok, upang maseugor lamang na ang kinauukulang mga empleyado at trabahador ay ma-testing sa covid infection. Super variant ng Omicron ang tiyak ng
humahampas sa lungsod. At huwag na nating pagtakhan na biglaang tumataas ang bilang ng mga na-impeksyon. Tingnang maige ang mga numero. Akyat baba mula atrenta, biglang nag-dose sa sumunod na araw. Eto ngayon, nasa 46 ang mga kasong pumutok.

Sana naman ay ating tanggapin ng maluwag ang ating Ama ng Lungsod. Tunay na nakakabahala ang
sitwasyon, na tila resulta ng pag-tanggal ng face mask bilang mandatong kasuotan ng mukha. Narito nga ang misteryo ng buwan. Gayung mas marami ang tuloy-tuloy lamang sa paggamit ng face mask, ay bakit
tuloy-tuloy din ang paglobong pabulusok ng mga kaso. Sa ating kapaligiran, sa loob o labas man ng gusali, lalo na ang mga shopping mall, kitang-kita naman na mismong ang gamit ng face mask, na halos isang buwan ng ginawang opsyonal, ay hindi nasusunod.

Mantakin mong sa mga kalsadang dinadagsa ng mga commuter at shopper, higit na 8 sa bawat sampu ay nakasuot pa rin ang face mask. Oo nga at mismong tayo na lampas ng dalawang taong binuno ang higpit ng restriksyon, buong tapang na sumunod sa mga patakarang pang-kaligtasan, ay suot-suot pa rin ang face mask. Kaya, misteryoso man o hindi ang sitwasyon, maniwala na tayo sa tunay na katayuan ni covid sa ating buhay. May panganib pa rin ke covid.

Gayung unti-unti ng binubuksan ang ekonomiya, gayung ang dating normal na buhay ay ibinabangon, at
ibinabalik na ng sambayanan ang kanilang pagnanais na makapag-hanap-buhay, patuloy pa rin ang matahimik na panananalasa ni covid. Nagmamatyag, nagmamasid, humahanap ng tyempo, at bigla na lamang ihahasik ang dalang virus sa mga inosenteng biktimang hindi man lang alintana ang panganib.

Kaya naman, sa mga tigasulo, tingnan natin kung hanggang saan pupulutin ang mga tinamanang lintik na
sumusuway sa mga protocol ng kaligtasan. Bakunado man o hindi, kailangan pa ring maging masunurin tayo sa mga patakaran. Ngayong opsyonal ang face mask, hindi malayong isunod na ang pag-walis sa
alituntunin ng social distancing. Ganito nga ang nakakadismayang takbo ng utak ng mga nagmamagaling ng mga eksperto ke covid.

Ituloy ang usad tungo sa Bagong Normal, piliting maibalik ang sitwasyon ng pre-pandemic. Hindi kaila na masyado tayong nawindang ke covid sa lampas 2 taon ng kanyang pananakop. Hangarin natin na mapawi na ang mga sakripisyo dahil sa mga lockdown at restrictions na ating dinanas. Tapusin na ang laban. Sa mga kamanghamanghang mga mangmang na hindi pa bakunado, huwag mong naisin na mapabilang sa
mga nasawi sa laban na ito.

Huwag na nating ipagsapalaran ang kaligtasan ng ating pangangatawan. Huwag ng pakinggan ang mga
nagkukunwaring eksperto sa kalusugan na minamadaling ibalik sa normal ang agos ng buhay. Aanhin ang kabuhayan kung walang buhay na sasagupa sa kanyang mga hamon. Dapat lamang na ulit-ulitin: Ang ating pag-ahon at pagangat ay nasa ating mga kamay. Ngunit, depende pa rin iyan sa takbo ng utak, sa likaw ng bituka, sa hinaing ng puso.

Hindi gagalaw ang mga kamay kung walang nag-uutos na pagiisip. Buong puso, buong diwa, buong pagpiling ng tamang desisyon – ito ang ating pairalin. Ibayong pag-iingat, habang si covid ay tatahimik-tahimik lamang. Sa mga boostered up naman, yong mga sektor na ating pinangangalagaan ng husto, ang mga katandaan at mga indibidwal na mayroong comorbidity (o dating sakit na iniinda) ay lumalabas na nasa 40% ang nabigyan nan g first booster shot, at ang second booster ay hindi pa umaabot ng 20%.

Sariling pag-iingat ang ating panawagan kung ibig nating bilisan ang pag-angat sa kundisyong patuloy si covid sa kanyang bantang umiskor pa ng buong tindi at bangis. AngatTayoBaguio kung lahat ay bakunado ng todo-todo!#

RELATED POSTS

MGA EKSENA BAGO MAG-PASKO

Bakit kaya sa tuwing magpaPasko…laging sumusulpot ang mga luma at bagong mga eksena? May 27 pang araw bago mag- Pasko pero daming GANAPS....

CONTAIN AND ISOLATE

There seems to be no end to the discovery by authorities of various unusual and perhaps illegal activities going on within the New Bilibid...

THE HARVEST CREATIVE COMMUNITY HUB

The Bayo Foundation together with Baguio City proudly presents the HARVEST CommUNITY Hub, a physical space in Baguio’s iconic Botanical...

PAGHAHANDA SA KAPASKUHAN

NITONG BUWAN, naging pasilip ang mga kasayahang inilunsad ng sektor ng turismo, upang mabigyan ng tamang paghahanda ang darating na...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest