PRC hinimok ang LGUs na magsagawa ng regular bloodletting activity

LA TRINIDAD, Benguet – Nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC) – Benguet noong Miyerkules sa mga lokal na pamahalaan na regular nang magsagawa ng bloodletting activity at himukin ang publiko na mag-donate ng dugo upang pataasin ang blood supply sa imbakan.
“We are just so blessed that there is available blood. It would be frightening if there’s no supply and that is what we want to address. That’s why we signed a MOA [memorandum of agreement],” ani PRC-Benguet Chapter administrator Oscar Paris sa MOA signing kasama ang 13 municipal government units, private hospitals, at academic institutions sa probinsya.
Sinabi ni Paris na ang dugo ay regular na kailangan ng mga pasyente na sumasailalim sa dialysis maliban sa mga pasyente ng cancer at mga biktima ng aksidente o emergencies kabilang ang advanced stage dengue patients.
“In average, we need 400 donors per month. We need 100 donors in a week and we need partners [to help provide the needed supply], at least two to three agencies per week [that will conduct blood donation activities],” ani Paris.
Sinabi ni Paris na upang maabot ang demand sa dugo ay hinahangad ng PRC na magsagawa ng regular blood donation activity at makapagligtas ng buhay.
“The MOA holds conditions and agreement between PRC-Benguet and its partners for their mutual coordination in conducting mobile blood donations at scheduled dates and places,” aniya.
Nakasaad din sa MOA ang responsibilidad ng bawat kasama sa pagsulong at pamamahagi ng impormasyon upang makalikom ng suporta at partisipasyon mula sa mga miyembro at publiko sa kabuuan.
Sinabi ni Paris na sa oras na walang dugong kinakailangan ang Benguet Red Cross ay inirerekomenda ang mga pasyente sa ibang Red Cross chapters gaya sa Baguio o kalapit probinsya ng La Union at Pangasinan.
Sinabi niya na may mga buwan na ang supply ay sapat naman – sa Hunyo at Hulyo kung saan ginugunita ng bansa ang “Blood Donors Month”, na mataas ang bilang ng mga blood donors.
Ang mga buwan ng Nobyembre hanggang Enero ay lean months kung saan maliit na bilang lamang ang dumarating para mag-donate ng dugo dahil sa mga kasiyahan, breaks at bakasyon.
Ang mga pasyente ng dengue at iba pang renal disease ay pumupunta sa Red Cross para sa whole blood, fresh whole blood at platelet concentrate.
Sinabi ni Paris na ang platelets ay nakukuha sa pagkatas sa sangkap mula sa whole blood. Sinabi niya na kamakailan ay nakakuha ang PRC-Benguet ng isang machine na ginagamit sa pagkatas ng platelet concentrate.
Ayon naman kay Provincial Health Office Rural Health physician Jocelyn Legaspi, ang layon ay kahit makakuha ng isang porsiyento ng populasyon na mag-donate ng dugo.
Ang Benguet ay mayroong 446,224 populasyon sa kasalukuyan at umaasa sila na makakuha ng 4,462 tao na mag-donate ng kanilang dugo kahit kaunti, kahit kada tatlong buwan.
“So far we have .5%, we hope that at least 1 percent of the entire population [would donate],” ani Paris. May 13 munisipalidad ang Benguet at dalawa lamang – Bokod at Kapangan ang palagiang nakakakuha ng isang porsiyento ng populasyon na magdonate ng dugo.
 
RHD-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon