PROCOR GINUNITA ANG ANIBERSARYO NG SAF 44

BAGUIO CITY

Pinangunahan ni Director for Police Community Relations Major Gen. Edgar Alan Okubo, ang
paggunita sa ika-9 na anibersaryo ng kabayanihan ng mga nasawing tropa ng Special Actions Force (SAF) sa The Manor, Camp John Hay, Baguio City, noong Enero 25. Isang maikling programa na nakatuon sa SAF 44 ang ginanap, kung saan matatagpuan ang isang memorial na nakatuon sa 14 na miyembro ng SAF na pawang anak ng Cordillera.

Sa mensaheng ipinahatid ni PNP Chief Benjamin Acorda, na binasa ni Okubo, “Let us not only remember the brave men of the SAF 44 but also reflect on the lesson learned from that tragic day. We must recognize the importance of unity, cooperation and effective communication in our pursuit of national security.

As we pay tribute to the SAF 44, let us all honor their legacy by rededicating ourselves to upholding the rule of law, defending our nation against terrorism, and promoting peace and stability in our
communities,” “Ang kanilang katapangan at dedikasyon sa tungkulin ay mananatili magpakailanman sa kasaysayan ng ating bansa.

May utang na loob kami sa kanila ng pasasalamat na hindi na mababayaran kailanman,” mensahe ni Mayor Benjamin Magalong sa pamamagitan ni City Administrator Engr. Bonifacio Dela Peña, Dumalo sa programa si Brig. Gen. David Peredo, Jr.,regional director ng Police Regional OfficeCordillera, mga pamailya at kamag-anak ng mga nasawing bayani.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon