Protecting and supporting breastfeeding

Bilang bahagi sa pagdiriwang ng World Breastfeeding Month ngayong Agosto at World Breastfeeding Week (August 1-7) ay nakiisa ang mahigit na 50 na ina na nagpasuso sa kanilang mga sanggol para sa pagpapanatili ng pagpapasuso at kalusugan sa kanilang mga anak. Sa pakikipag-ugnayan ng Baguio General Hospital and Medical Center sa Mother Baby Friendly Hospital Initiative/Breastfeeding Committee mula sa Department of Health. Ang tema ay “Ugnayan: One Community Protecting, Supporting and Promoting Breastfeeding” na ginanap sa Pediatrics & Neonatal Critical Ultrasound (PNCU) Hallway ng BGH noong ika-4 ng Agosto 2017.

Amianan Balita Ngayon