Road mishap

Headlines

Umabot sa 30 minuto bago naialis ng mga rumespondeng tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), sa pangunguna ni SFO2 Camilo Balancia Jr., ang driver na si Cianong Padiyong, 34, ng Camp 8-Poliwes, Baguio City matapos naaksidente sa sinasakyan nitong Elf truck noong Oktubre 23, 2018 sa Marcos Highway. Ayon kay BCPO Station 5 Commander C/Ins. Francisco Cacas, ang sasakyan ay nasa masamang kalagayan dahil pumapalya ang preno. Agad isinugod sa ospital ang biktima na nagtamo ng pinsala ang dalawang paa. ABN/CARLOS C. MENESES