Shaming campaign sa nagkakalat ng basura, ipinatupad ng Bangued

Tatlong katao ang ipinarada habang may nakasabit na plakard sa kanilang katawan na nagsasabing “huwag akong tularan, nagtapon ako sa kanal” sa kabuuan ng public market ng Bangued, Abra upang igiit sa mga residente ang pagsunod sa mga batas at regulasyon na pangkalikasan.
Bukod sa pagparada ay pinagmulta rin ang mga ito ng P200.
Layunin ng naturang shaming campaign na buksan ang isipan ng mga residente na huwag magtapon ng mga basura sa kung saan-saan at panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran sa kabila ng kawalan ng disposal area.
Ngunit ang isinagawang campaign ay hindi na masusundan pa dahil sa negatibong epekto na maaaring idulot nito sa mga tao.
“Ito na ang una at huling beses na gagawin ang shaming campaign kasi baka magkaroon ng negative impact sa mga tao. Pero at least pinapakita ni Mayor na siya ay para sa compliance ng each individual,” ani Joyce Ann Mangsat ng Provincial Environment Management Unit (PEMU) Abra.
Samantala, sa kabila ng kawalan ng disposal area ay nagsasagawa na ng no segregation no collection policy ang Bangued. Kinokolekta ang recyclables bago ang mga residuals. Ang mga nakolektang recyclables ay mapupunta sa materials recovery facility (MRF). Magkakaroon ng memorandum of agreement sa local government unit (LGU) para sa regular na pangongolekta.
“Hindi lang Bangued ang hinihikayat na magkaroon ng sariling residual containment area. Kailangan muna nilang magsagawa ng segregation para mai-separate ang nabubulok sa di nabubulok para hindi na maging mabaho ang basura,” ani Mangsat. Liezel Eunice Callejo, UC Intern

LT crime rate drops

For world peace

Latest News

Amianan Balita Ngayon