Si Jesus ang Tunay na Puno ng Ubas

“Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga. Ang bawat sanga sa akin na hindi nagbubunga ay inaalis niya; at ang bawat sanga na nagbubunga ay nililinis niya upang lalong magbunga. Kayo’y malilinis na sa pamamagitan ng salita na aking sinabi sa inyo. Kayo’y manatili sa akin, at ako’y sa inyo. Gaya ng sanga na hindi magbubunga buhat sa kanyang sarili malibang nakakabit sa puno, gayundin naman kayo, malibang kayo’y manatili sa akin. Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin at ako’y sa kanya ay siyang nagbubunga ng marami. Sapagkat kung kayo’y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.”

JUAN 15:1-5

Amianan Balita Ngayon