First Private Schools Basic Education Congress, napapanahon

Feb 24, 2018

Sinuspinde ang mga klase sa pribadong elementarya at sekondaryang paaralan sa lungsod ng Baguio noong Pebrero 22 at 23 ng Department of Education (DepEd)-Baguio sa bisa ng Division Memorandum 29, S. 2018 upang bigyan daan at oras ang mga guro at administrador ng mga pribadong paaralan na dumalo sa First Private Schools Basic Education Congress.
Ang nasabing aktibidad ay may temang: Meeting the Challenges of the 21st Century Education na isinagawa ng Association of Private School Administrators-Baguio City (APSA-BC) kasama ang DepEd-Baguio at may layuning gisingin ang kamalayan ng mga private school na ang pagsasama-sama para sa iisang layunin ay ang unang hakbang sa isang pagtutulungan para sa pagbabago.
Ilan sa mga topikong tinalakay sa kongreso ay ang Philippine quality framework on DepEd strategic directions until 2030, Applying positive discipline in response to the proper implementation of Child  Protection Policy and Anti-Bullying Act  of 2013, Grievance and administrative cases in private schools, Research-based practices on curriculum and administrative matters, Data Privacy Act 2012, at Updates on data management system.
Sa kasalukuyan ay may 101 elementary private schools at 56 secondary private schools sa Baguio, samantala sa Benguet ay may 51 private elementary school at 25 secondary schools.
Sa makabagong panahon ngayon ay totoong marami na ang nagbago sa mga kabataan, ito ay dahil sa paglaganap ng makabagong kaalaman sa siyensiya at teknolohiya na napakalaking epekto sa buhay ng tao lalo na sa mga mga-aaral.
Naapektuhan nito ang asal at pag-uugali ng mga bata sa paaralan man o sa kani-kanilang tirahan. Tunay na malaking hamon ngayon para sa mga guro at magulang ang mabuti at mahusay na paghubog ng mga kabataan para sa kanilang kinabukasan kaya ang mga aktibidad gaya ng kauna-unahang kongreso ng mga pribadong paaralan ay napapanahon upang mabigyan pansin at tugon ang mga problema na pumapalibot sa mga kabataan sa gitna ng makabagong mundo.
Isinama na rin sana sa mga tinalakay ang paksa ukol sa hindi paglimot ng mga mag-aaral sa mga basikong uri at gawi sa pag-aaral – gaya ng hindi paglimot sa pagbabasa at malinang ang angking talino sa pamamagitan ng mga basikong pamamaraan at hindi umaasa at dumedepende na lamang sa makabagong teknolohiya gaya ng mga computer at iba pang gadgets. Hindi masama ang mga makabagong teknolohiya, subalit kung ito ang magiging sanhi ng lalong ikaka-bobo ng isang bata ay kailangang supilin na ito.
Patunay ang mga pag-aaral medikal na ang mga makabagong gadgets ay nakaka-adik at marami ng kabataan maging may edad ang nahuhumaling na dito – minsan nagiging problema na sila ng pamilya at komunidad.
Sa ganitong kongreso ay isama na rin sana o kaya’y magkaroon din ng kagayang aktibidad ang mga nasa pampublikong mga paaralan dahil mas marami ang mga mag-aaral dito.
Muli, sana ay maging matagumpay ang kongresong ito para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral, mga guro at magulang at ng bansa.                                                                                                                                     PMCJr.

RELATED POSTS

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

Alinsunod sa Artikulo XV, Seksiyon 4 ng Saligang Batas, tungkulin ng pamilya na alagaan ang matatandang miyembro nito habang ang Estado ay...

NO STORY

NO STORY

Ang mga “informer” ay kadalasang ginagamit sa mga kaso ng organisadong krimen. Ayon sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC),...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest