TATLONG TURISTA HULI SA PAGPUPUSLIT NG MARIJUANA SA KALINGA

TABUK CITY, Kalinga – Tatlong turista na nagtankang magpuslit ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat sa police checkpoint ng pulisya sa Barangay Dinakan, Lubuagan, Kalinga.
Kinilala ang mga nadakip na sina Dawn Marie Martinez Agudo, 32, factory worker and native of Corpus, Masbate and presently residing at Sitio Ruhat 4, Masbate Province; Hesus Sandino Oñate Laygo, 27, visual analyst and resident of Damong Maliit St., Magkaisang Nayon, Novaliches Q.C; and Andrain De Guzman Rodrigues, 33, Surf instructor at San Felipe, Zambales, and resident of Block 4 lot 6 Phase 1, Aningway Sacatihan, Subic, Zambales.
Ayon kay Col. Peter Tagtag,Jr., provincial director ng Kalinga Provincial Police Office, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa concerned citizen mula sa bayan ng Tinglayan, Kalinga na may isang private vehicle na lulan ng tatlong katao na may ibibiyaheng marijuana patungo sa Tabuk City.
Agad nagsagawa ng checkpoint ang magkakasanib na tauhan ng Kalinga PPO, Philippine Drug Enforcement Agency, Criminal Investigation and Detection Group at Lubuagan MPS, noong Lunes, Hunyo 6 at hinarang dakong alas 2:30 ng hapon ang isang Chevrolet Sedan na may plakang ASA-8948.
Narekober ng mga operatiba sa loob ng sasakyan ang apat na pirasong tubular ng dried marijuana leaves and stalks weighing more or less 4,000 grams with an estimated value of P480,000.00; isang marijuana dried leaves, dalawang pirasong grinder containing residue of marijuana, tatlong android cellular phones, isang car key at isang one laptop with bag.
Isinagawa ang on-site inventory sa mga nakumpiskang droga na sinaksihan nina Barangay Kagawad Edna Taotao; media representative at DOJ represenrative Bernadeth Malayao.
Kinasuhan ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs law of 2002, partikular ang probisyon sa illegal transport ng ipinagbabawal na droga.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon