TURISMO AT EKONOMIYA PAPAUNLARIN SA BAWAT MUNISIPYO SA ILOCOS SUR

BAGUIO CITY – Isinusulong ngayon ng provincial government official sa pamumuno ni Gov. Jerry Singson na palaguin ang ekonomiya sa pamamagitan ng tturismo tungo sa maunlad sa mga upland municipalities sa lalawigan ng Ilocos Sur.
Si Gov.Singson, kasama ang pamangkin na si Vice Gov.Ryan Singson at mga board members ay kasalukuyang nasa siyudad ng Baguio para sa kanilang Executive and Legislative Agenda (ELA) workshop para talakayin ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng bawat bayan, na gaya ng turismo,pagsusulong ng one town one product (OTOP), pag-imbita ng mga investors at marami pang iba.
“Maraming tourism site sa aming lalawigan, maraming water falls sa mga upland areas na hindi mapuntahan ng ating mga turista dahil sa kalsada,kaya ito ang pagtutuunan naming maimprove ng magandang kalsada at sa mga bayan na na katabi ay dagat ay hihimukin natin ang mga investors na magkaroon ng magagandang beach sa ating lugar,” pahayag ni Singson.
Ang Ilocos Sur ay isa sa pinakamalaking lalawigan sa Regiyon 1 na may dalawang component city at 32 municipalities. Aniya, naka-focus lamang ang mga turista sa mga Heritage Sites lalo sa Vigan City, kaya nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang mga upland municipalities na may mga tourism site na dapat ipromote, mga livelihood na dapat palaguin.
“Wino-work out namin ngayon na palawakin at pagandahin ang aming Vigan airport, para hindi lamang sa domestic, kundi maging sa international flights, upang mapadali ang pagdating ng mga turista, kaya kung mababuksan muli ang airport ay dadagsa ang turista at mapapuno ang Vigan City, mas mainam na may mapuntahan silang ibang lugar para sa kanilang vacation.”
Ayon kay Singson, una sa kanilang agenda ay ang economic recovery na bumagsak noong panahon ng pandemya at ngayon ay hinihimok niya ang mga local government units na pumasok sa enterprenuership, maging ang mga barangay at residente na malapit sa tourism sites, sa
pamamagitan ng pagnenegosyo ay susuportahan ng provincial government.
“Anuman ang pangangailangan nila,ibibigay namin para lang matupad ang programang ito,dahil ito lamang ang isang paraan na matamo natin ang economic recovery at siyempre kapag maraming negosyo ay agad tayong makakabawi sa ekonomiya,”pahayag pa ni Singson.
Suportado naman ni Mayor Benjamin Magalong ang programang turismo ng Ilocos Sur at hinikayat nito na dalhin ang kanilang mga produkto at pag-showcase sa mga tourism sites ng Ilocos Sur, sa pamamagitan ng pagbibigay ng booth o stalls tuwing linggo sa Session Road.
Ipinaalam nito sa mga opisyal na tuwing Sunday ay sarado sa trapiko ang kahabaan ng Session Road para sa mga residente at turista.
“Isa ito sa mga paraan para sa promostion ng OTOP at showcase ng mga tourism site sa ating karatig-bayan o lalawigan na gustong ipakilala ang kanilang mga lugar. Marami tayong mga turista na naghahanap ng ibang lugar na mapupuntahan at alam natin ang tourism ay malaking tulong para sa economic recovery,” pahayag pa ni Magalong.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon