Walang biktima ng paputok sa Bagong Taon nais ng Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Nananawagan ang pamahalaang lungsod ng Baguio sa mga mamamayan nito na iwasan ang paggamit ng mga paputok at ibang pyrotechnic materials sa pagsalubong sa bagong taon habang hangad nito na sa muli ay walang maging biktima na may kinalaman sa mga paputok.
Sinabi ni City Health Office Head, Dr. Rowena Galpo na layon nila na maulit ang “firecracker-injury-free noong Disyembre 2018 hanggang Enero 2019 na selebrasyon.
“For the first time we recorded zero firecracker related injury in Baguio City, no death, no tetanus, no watusi, no stray bullet cases,” ani Galpo . “We should maintain the zero firecracker incidence; we do not like to have injuries due to unnecessary use of firecrackers and pyrotechnic materials to celebrate the holidays, dagdag niya.
Ipinapakita ng mga tala na noong 2015 ay nakapagtala ang lungsod ng pitong kaso pinsala na may kaugnayan sa paputok, apat noong 2016, tatlo noong 2017 at wala noong 2018.
Ang mahalagang pagbaba sa mga nakaraang taon ay dahil sa pagbabawal ng pagtitinda ng mga paputok sa lungsod sa pamamagitan ng executive order ni dating Mayor Mauricio Domogan noong 2015.
Noong 2016 ay muling ipinatupad ang EO na nagbabawal sa pagbebenta at paggamit ng mga paputok at noong 2017 ay nag-isyu si Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order 28 –”providing for the regulation and control of the use of firecrackers and other pyrotechnic devices.”
Imomonitor ng City Health Office at ng DOH ang mga kasong may kaugnayan sa mga paputok mula Disyembre 21 hanggang Enero 5 ng susunod na taon.
Sinabi ni Galpo na sa malibans sa panawagan ng pamahalaang lungsod, ang iba’t-ibang ospital ay nakahandang rumesponde sa mga pinsalang may kaugnayan sa paputok at iba pang medical emergencies sa panahon ng selebrasyon lalo na pagsasaya sa bisperas ng Bagong Taon.
Hinihikayat ni Galpo ang publiko na gumamit ng mga alternatibong pamamaraan upang ipagdiwang ang Bagong Taon o sumama sa community fireworks display sa Burnham Park sa bisperas ng Bagong Taon na inihahanda ng pamahalaang lungsod ng Baguio parasa mga residente nito.
 
RMC-PIA-CAR/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon