WANTED SA KASONG 19 COUNTS OF RAPE, NASAKOTE

CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO — Arestado ang numero unong most wanted person ng Ilocos Norte na nahaharap sa kasong 19 counts of rape na may P300,000 reward, makaraang matunton ito sa kanyang pinagtataguan sa Caloocan City noong Hulyo 11, ayon sa Police Regional Office-1,San Fernando City, La Union.
Kinilala ni BGen. Westrimundo Obinque, regional director ng PRO-1 ang nadakip na si Rodrigo Rafael Jr., a.k.a. Jay-Ar Rafael, tubong Brgy. Barbaqueso, Carasi, Ilocos Norte ngunit kasalukuyang naninirahan sa Purok 5, Sitio 4, Vanguard, Area D, Brgy. 178, sa Camarin, Caloocan City.
Si Rafael ay inuri bilang Top 1 most wanted ng lalawigan at Number 1 sa ilalim ng Provincial Private Armed Group at Dangerous Drugs Council.
Ang pag-aresto ay ginawa ng magkasanib na elemento ng Carasi Municipal Police, Banna Municipal Police, Regional Intelligence Division, PRO1 at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Ilocos Norte.
Nasakote ang suspek matapos ipatupad ng joint operatives ang warrant of arrest na walang piyansa sa kasong 19 counts of rape sa sala ni Judge Conrado Ragucos, ng Branch 16,Regional Trial Court, Laoag City.
Iginawad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang reward na P300,000 para sa kanyang pagkakaaresto.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon