Yemeni national huli sa pagtatanim ng marijuana

BAGUIO CITY – Kalaboso ngayon ang isang estudyanteng Yemeni national matapos mahuling may mga tanim ng marijuana sa paso saloob ng kanyang bahay sa 149 Purok 5, Bakakeng Central, Baguio City, noong Hunyo 5.
Kinilala ni PDEA Regional Director Gil Castro, hindi nakapalg si Hussain Muaad Hasan,21, alyas Muath Yaf, nang salakayin ang kanyang bahay ng mga tauhan PDEACAR, BCPO Station 10, CIU,DEU and CIT-RIU 14, sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Maria Ligaya Itliong-Rivera, of Branch 5, RTC,Baguio City.
Ayon kay Castro said, si Hasan ay matagal ng sinusubaybayan ng PDEA, matapos ireklamo ng mga kapitbahay nito sa pagiging maingay,kasama ang ilang kaibigan, tuwing lulong sa droga.
Nakumpiska sa loob ng bahay nito ang tatlong paso ng tanim na marijuana at 6 gramo ng dried marijuana stalks na nakatakdang gamitin. Isinasagawa ngayon ng PDEA Operation Divisionang background investigation kay Hasan at sa mga kaibigan nito na posibleng may kinalaman sa drug connections sa lungsod.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon