12 katao timbog sa illegal gambling

BAGUIO CITY – Labing dalawang katao ang dinakip sa kasong iligal na sugal sa mga police operation na isinagawa sa lalawigan ng Abra at siyudad ng Baguio. Iniulat ni Abra PPO Director PCol. Christopher Acop sa bagong itinalagang PROCOR Director PBGen. Ronald Lee, na walong katao ang nadakip habang aktong nagsusugal ng ‘dado’ (dice) sa may Sitio Turod, Barangay Bangbangar, Bangued, Abra, noong uamaga ng Abril 10.
Kinilala ang nadakip na sina Samuel Pacursa Azusano, 56; Rocel Eugenio Bernal, 60; Mark Anthony Barbadillo Plurad, 39; Mark Ferrary Billedo Belleza, 35; Fortunato Daming Fernando, 37; Dan Vincent Dela Cruz Libao, 34; Braidenburgh A. Papagayo, 18; at Ralph Ryan Estabillo Peria, 29.
Ayon kay Acop, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa concerned citizen kaugnay sa nagaganap na sugalan sa lugar, kaya’t nag responde ang pulisya.
Narekober ng pulisya ang bet money na P46,708.00, dalawang dice, dalawang saucers, isang small bowl, isang PVC pipe used as “tubong” at isang green broken plastic table. Dahil din sa sumbong, apat na katao na nagsusugal ng ‘pusoy’ ang natiklo sa may Purok 4, Santo Rosario, Baguio City, noong hapon ng Abril 13.
Sa report ng Legarda Police Station (BCPO PS-5) kinilala ang nadakip na sina Orlando Asis De Vera, 52; Jerrymae Villadez, 23; Laine Poscaro, 34; at Reyzel De Vera, 30.
Ang mga nadakip na suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Degree 1602 at pansamantalang makakalaya sa pamamagitan ng piyansa.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon