2 drug personalities arestado sa shabu at granada

CAMP DIEGO SILANG, La Union – Inaresto ng mga police ng La Union ang dalawang drug personalities sa magkahiwalay na dragnet operations sa mga bayan ng Bangar at San Juan at nakatakdang magpila ng isang multi-case charges sa iligal na droga at illegal possession of explosive Lunes (Enero 25, 2021). Ayon sa isang police report, isang suspek na kinilalang si Mark Anthony Madrid, 41 welder at isang residente ng Barangay Lingsat, San Fernando City, La Union, na naunang naaresto sa isang buy-bust operation na isinagawa ng mga awtoridad sa Barangay Barraca, bayan ng Bangar.
Nakuhua sa kanila ang isang sachet ng naglalaman ng pinaghinalaang shabu at PhP 1,000 bill ng buy bust money. Sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad, nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga awtoridad at ang umano’y kasabwat ni Madrid na kinilalang si Kenneth Diaz, 41, isang mekaniko at residente ng Barangay Ili Norte, bayan ng San Juan.
Hinarang ang sasakyan ni Diaz at nasukol ng mga awtoridad sa kahabaan ng highway sa Barangay Ili Sur, San Juan, La Union. Nagsagawa ang police ng
search at inspection sa sasakyan ni Diaz at natuklasan ang isang Granada, tatlong sachet ng umano’y shabu, at 5 cellphones.
Kapuwa nahaharap ang dalawang suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa posesyon ng ipinagbabawal na mga droga. Subalit mayroon pang mga karagdagang reklamo na nakahanda para kay Diaz para sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 9516 matapos matuklasan ang granada sa kaniyang kustodiya.
(EB/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon