2 drug pusher natiklo, 6 pang illegal logger nadakip ng pulisya

CAMP BADO DANGWA, LA TRINIDAD, Benguet – Hindi na nakapalag ang dalawang suspek sa pagbebenta ng shabu ng madakip ang mga ito sa magkahiwalay na drug operation ng kapulisan sa unang araw ng pagpasok ng buwan ng Oktubre.
Unang nadakip ang isang “high value” na drug pusher na nakilalang si Marvin Ballong Aswit, 26 anyos isang mekaniko at tubong Bulanao, Tabuk City sa lalawigan ng Kalinga. Nadakip ang suspek sa isang buy-bust operation na ikinasa ng mga otoridad noong Oktubre 1, 2020.
Nahuli rin sa isang butbust operation ang isa pang tulak ng shabu na nakilalang si Julie Bert Seguerra Bersalona, 48 anyos at isang biyuda na nakatira sa barangay Palao, Bangued, Abra.
Samantala anim namang mga illegal logger ang nasakote ng mga pulis ng Sagada at ng mga miyembro ng CeNRo ng bayan ng Sabangan sa aktong pagpuputol ng mga sa Sitio Dogodog, Barangay Teptep-an sa bayan ng Sagada, sa Mountain Province noong Oktubre 1, 2020.
Ang mga nadakip na suspek ay sina Jones Etong Tumingeb, 23; Kawi Etong Tumingeb, 24; Orlando Farnican Tomingeb, 54, lahat residente ng Bontoc Ili, Bontoc, Mountain Province; ang iba naman ay sina Cyril La- ao Cayapat, 39; Ferdinand Wakwak Lawed, 41, pawing tubong Payag-eo, Suyo, Sagada; at si Tino Farnican Tumingeb, 48, tubong Ambasing, Sagada.. Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang (2) chainsaw, isang (1) white KIA van na may plakang RAM 178.
(PROCOR RPIO)

Amianan Balita Ngayon