Year: 2024

4 NPA sumuko matapos ang engkwentro sa Ifugao

LUNGSOD NG BAGUIO – Humantong sa pagsuko ng apat na rebelde at pagkasamsam ng magkakaibang uri ng armas ang isa’t kalahating oras na engkwentro ng Philippine Army kontra sa New Peoples’ Army, umaga ng Miyerkules (Nobyembre 21), matapos na nilusob ng militar ang kampo ng rebelde sa sitio Lab-ong, Barangay Namal, Asipulo, Ifugao.

Mga kaso ng leptospirosis at dengue sa Pangasinan, tumaas

LUNGSOD NG DAGUPAN – Pinayuhan ng Provincial Health Office (PHO) ang mga Pangasinense na panatilihing malinis ang kapaligirn at agad na humingi ng medikal na atensiyon sa maagang sintomas, matapos umakyat sa 67.14 porsiyento ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng dengue at 140.31 porsyento ang itinaas ng kaso ng leptospirosis sa probinsiya.

Red Cross, namahagi ng emergency tools sa Kalinga

LUNGSOD NG TABUK, KALINGA – Namahagi ang Philippine Red Cross ng mga emergency response equipment, first aid kits, at mga information materials sa anim na barangay at limang paaralan sa Tabuk City at bayan ng Pinukpuk sa probinsiya ng Kalinga, partikular sa mga lugar na calamity-prone.

Mga turista pinag-iingat sa manlolokong tindero sa La Union

ROSARIO, LA UNION – Inabisuhan ng pamahalaang panlalawigan ng La Union ang mga turista na maging mapagmasid sa pagbili ng mga produkto mula sa mga ambulant vendors sa kahabaan ng national highways sa probinsiya matapos ang naiulat na diumano’y di tamang timbang ng mga paninda.

Industriya ng tabako, muling pinasisigla sa Ilocos Norte

LUNGSOD NG LAOAG – Pumirma ng memorandum of agreement ang grupo na kinabibilangan ng mga magsasaka, local government units at ng National Tobacco Administration (NTA) noong Nobyembre 21 upang palaguin ang pagtatabako sa probinsiya.

Babae, huli sa shoplifting sa Baguio

Huli sa aktong shoplifting ang isang babae bandang 12:45pm ng Nob. 21, 2018 sa loob ng Old Tiongsan Bazaar, Magsaysay Avenue, Baguio City.

Amianan Balita Ngayon