4 lalaki, arestado sa rape at pagpatay sa Pangasinan

CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO – Apat na lalaki ang inaresto sa lungsod ng Dagupan, Pangasinan, matapos na ituro ang mga ito bilang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang dalaga.
Nauna rito ay natagpuan ang bangkay ng isang babae na lumulutang sa baybayin ng Pantal Guibang, Dagupan City, bandang 8:55am ng Agosto 29, 2018.
Ayon kay PSupt. Jandale I. Sulit, hepe ng Dagupan City Police Station, ang bangkay ay natagpuan na lumulutang sa baybayin nina Alberto V. Panagsagang at Rolando A. Espanyo.
Ang biktima ay isang 21 anyos na promodizer ng CSI City Mall at residente ng Pantal Guibang, Dagupan City.
Natagpuan ang lumulutang na katawan ng biktima na halos hubad at walang pang-ibabang damit.
Bago ang insidente, nakita ng isang saksi na kinilala ng Police Regional Office-1 na si Rodrigo U. Tibayan ang apat na lalaki sa pinagyarihan ng insidente at halos narinig ang umiiyak na boses ng isang babae bandang 12:30am ng Agosto 28, 2018.
Positibong kinilala ni Tibayan ang mga suspek na sina Rhadu Ubando  Eugenio, alyas Adi, 36 anyos; Jonathan Español  De Vera, alyas Maning, 29 anyos; Alfredo Ubaldo Ubando, alyas Pidong, 28 anyos; at Flor Ubando  Moulic Jr., alyas Jay-ar, 26 anyos, pawang mga construction workers at residente ng Sitio Guibang, Brgy. Pantal, Dagupan City.
Ang mga nasabing suspek ay naaresto at dinala sa Dagupan City Police Station habang inihahanda ang mga kinakailangang dokumento para sa inquest proceedings.
Ang katawan ng biktima ay dinala sa Reggie Funeral Homes, Lucao District, Dagupan City para sa autopsy/post mortem examination.
Pinaalalahanan ni PCSupt. Romulo E. Sapitula, PRO1 regional director, ang lahat ng hepe ng police na palakasin ang proactive measures at preventive patrols upang mapigilan ang mga krimen. Hiniling din niya sa komunidad na maging mapagbantay at iulat ang anumang kahina-hinalang pangyayari sa malapit na police station sa lokalidad. PNP-PRO1 / ABN

Amianan Balita Ngayon