7 pulis pinarangalan sa 25th PNP Ethics Day

LA TRINIDAD, Benguet – Pitong pulis ang ginawaran ng parangal ng Police Regional Office-Cordillera at ng National Police Commission-Cordillera Administrative Region (NAPOLCOM-CAR) sa kanilang 25th Ethics Day celebration, noong Enero 21 sa Camp Bado Dangwa.
Sa temang “Tapat na Paglilingkod, Susi sa Pinaigting na Kampanya Laban sa Korapsyon” ay taunang aktibidad na ginaganap tuwing buwan ng Enero. Layunin ng okasyon na paalalahanan ang lahat ng police personnel sa ilalim ng PNP Ethical Doctrine na mapanatili ang mga moral values na maging disciplined, professional at morally upright policemen.
“This celebration is for us to be reminded to uphold the PNP’s Code of Conduct and Ethical Standards which is our guide in performing our duties.” Ayon kay Chief Supt Rolando Nana, regional director.
Pinarangalan bilang pagkilala ang pitong pulis bilang PNP Model Families mula sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon na pumasa sa criteria na religious, moral at socioeconomic status ng kanilang pamilya.
Ang mga pinarangalan ay sina Police Insp. Ana Marie Lopez ng Apayao Police Provincial Office (PPO); PInsp. Ricardo Bengwic ng Ifugao PPO; SPO3 William Agod ng Kalinga PPO; SPO1 Antolin Potpoten ng Mt. Province PPO; PO2 Carlito Turqueza ng Abra PPO; PO2 Randy Cayat ng Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15); at PO1 Eric Cabradilla ng Baguio City Police Office (BCPO).
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon