AMIANAN POLICE PATROL

P42-M inabandonang marijuana,narekober sa Kalinga

CAMP DANGWA, Benguet

Siyam na sako na naglalaman ng marijuana brick na nagkakahalaga ng mahigit P42 milyon ang narekober ng pulisya sa madamong lugar sa gilid ng kalsada sa Sitio Silay, Poblacion, Kalinga, noong Disyembre 23. Sinabi ni Brig.Gen. Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, ang mga inabandunang kontrabando na pag-aari ng hindi pa nakikilalang mga suspek ay pinaniniwalaang dinala mula sa bayan ng Tinglayan patungong Tabuk City, Kalinga.

“Iba kasi ang modus ng mga nagbebenta at bumibili ng marijuana, ang ginagawa ng nagtitinda ay patago sa mga kalsada at sa iba’t ibang sasakyan, hanggang sa makarating sila sa kanilang katransaksyon, na parehong umiiwas sa ating mga checkpoints,” ani Bazar. Ayon kay Bazar, unang nag-scout sa lugar ang mga tauhan ng Kalinga Provincial Police Office, matapos makatanggap ng
impormasyon na inaasahang babalik ang mga suspek, ngunit nang bumuhos ang ulan ay narekober ito ng mga pulis.

Sa imbentaryo, ang unang bag ay naglalaman ng 40 piraso ng marijuana brick, na tumitimbang ng 40 kilo at nagkakahalaga ng P4,800,000.00; nasa ikalawang sako ang 42 marijuana bricks, na tumitimbang ng 42 kilo at nagkakahalaga ng P5,040,000; sa sakong ito ay may 32 mj bricks na tumitimbang ng 42 kilos at nagkakahalaga ng P5,040,000.00. May 27 mj brick na nakuha sa ikaapat na bag na may bigat na 34 kilo at nagkakahalaga ng P4,080,000; 42 mj brick sa ikalimang
sako na tumitimbang ng 42 kilo at nagkakahalaga ng P5,040,000;

Narekober sa ikaanim na sako ang 30 pirasong tubular form na pinatuyong marijuana at mga tangkay na nakabalot sa transparent plastic na may halagang P3,600,000. Nakuha sa ikapitong bag na naglalaman ng 43 marijuana ang halagang P5,160,000; 45 piraso ng mj brick na may halagang
P5,400,000 ang nakuha sa ikawalong bag at 40 piraso ng marijuana brick na may halagang P4,800,000 ang nakuha sa ika-siyam na bag. Sa kabuuan, ang mga narekober na brick at tangkay ng marijuana ay may kabuuang timbang na 358 kilo, na may halagang P42, 960,000.00.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon