Author: Amianan Balita Ngayon

“Wow mali ng liderato ng PNP”

“Wrong move” si PNP Chief Vicente Danao Jr. sa pagpayag na magpa presscon sila katabi ni Jose Antonio Sanvicente at mga magulang nito. Lubos tuloy ang nangagalaiting reaksyon kontra sa mismong ahensyang nangangakong mangangalaga ng seguridad at kapakanan ng mamamayan. Hindi natin sinasabing hindi bahagi ng mamamayan ang pamilyang San Vicente, ngunit higit namang agrabyado […]

“Magpanibaong sigla muli Abreco”

Kinatigan kamakailan lamang ng Korte Suprema si Loreto Seares Jr. nang ito’y tanggalin ng National Electrification Administration (NEA) noong huling bahagi ng 2018 bilang Abra Electric Cooperative General Manager. Base sa mga paratang ng mga administratibong paglabag, inilaglag si Seares Jr. halos mag-aapat na taon na mula sa katungkulan nito sa Abreco na nalugmok sa […]

“Tama na…. Sobra na… Wag na si William Dar sa kagawaran ng agrikultura”

Nanggagalaiti sa galit ang mga lokal na poultry growers sa patuloy na ugong na magpapatuloy na magpahirap sa kanila si Agriculture Secretary William Dar. Paki-usap nila sa papasok na administrasyon ni PBBM ay magtalaga ng isang kalihim na tatangkilik sa pagbangon ng industriya ng manukan at hindi ang pag-angkat ng manok at iba pang produktong […]

“Kailangang bumangon muli ang pambansang pagsasaka”

Napakatagal nang lugmok sa kumunoy ng pagurong ang pambansang pagsasaka. Nagpakasya lang tayo pangunahin sa farm-tomarket o mas kilalang “farm-topocket” projects. Uhaw ang agrikultura ng bansa ng mga lideres sa kagawaran ng agrikultura ng subok ang kakayanan sa loob at labas ng bansa upang linangin ang kakayahan ng mga magsasaka na naayon sa lokal at […]

“Habang may Tatsulok”

Nananatiling buhay ang mensahe ng kantang “Tatsulok” na original na nilikha ni Rom Dongeto noong 1989 at unang kinanta noong 1991 “Buklod” kasama sina Noel Cabangon at Rene Boncocan. Pinasikat na lamang nito ni Bamboo noong 2007. Ang inspirasyon ng kanta’y ang noo’y nagaganap na “Total War Policy” ng gobyerno sa ilalim ng pangunguna ng […]

“Terorismo sa Ilocos Norte?”

Laoag City ang kabisera na Ilocos Norte. Laoag, sa Iluko ay liwanag. Ngunit karimlan ang nagbabadya sa hinaharap ng syudad, na maaring lumaganap pa sa iba pang bayan sa probinsya. Ang girian ng mga naglalakihang pamilyang pulitikal sa probinsya ay tumingkad nang magsalpukan sa gitna ng kampanya ngayong linggo ang pamilya Fariñas na pinamumunaan ni […]

“Vote buying… dati nang gawain sa Abra at kung saan man sulok”

Hinihingi ang pagbalasa sa kapulisan, lalo na ang pamunuan ng Abra police sa nararamdamang pagwawalang bahala sa pamimili ng boto sa probinsya. Tatlong libo ang ipinamimigay sa pamamagitan ng mga kapitan ng barangay sa Bangued, Abra para sa posisyong pagka Gubernador, Bise Gubernador, at Mayor ng Bangued. Isang libo naman ang narinig na ipinamigay sa […]

“Ligal o iligal na e-sabong operation ng La Trinidad, Benguet?”

Malinaw ang tagubilin ni President Digong na ipagpatuloy ang electronic sabong (e-sabong) sa bansa. Mahigpit ang pangangailangan ng kaban ng bayan dahil sa pandemic responses na kinakailangan ng ating mga kababayan lalo’t mahigit dalawang taon nang nahirapan ang ekonomiya at pambansang pananalapi. Kaya’t anumang gawain ng mga kawatan upang umiwas sa pagbubuwis gaya ng pagbabayad […]

“Tumitindi na ang dumi ng pulitika sa La Union”

Bago pa man April Fools Day, may ginawang nararapat imbestigahan ng pamunuan ng Criminal Investigation and Detection sa Agoo, La Union. Ginulantang ang pamilya ni Marianito Balderas sa barangay San Miguel, Agoo ng alas 7 ng umaga noong Marso 22, 2022 nang i-raid sila ng mga kagawad ng CIDG-La Union na naghahanap umano ng mga […]

“Abante si Dante”

Inaasahan ng mga mamamayan ng labingisang bayan ng segunda distrito ng La Union, mula Rosario paakyat ng Bagulin, ang seryosong pakay na manilbihan bilang mambabatas si Tubao Mayor Dante Sotelo Garcia. Uhaw na uhaw ang taumbayan ng segunda distrito sa mga lider gaya ni Garcia na ang tanging isinasa-isip ay paglilingkod sa bayan, hindi ang […]

Amianan Balita Ngayon