“Kailangang bumangon muli ang pambansang pagsasaka”

Napakatagal nang lugmok sa kumunoy ng pagurong ang pambansang pagsasaka. Nagpakasya lang tayo pangunahin sa farm-tomarket o mas kilalang “farm-topocket” projects.

Uhaw ang agrikultura ng bansa ng mga lideres sa kagawaran ng agrikultura ng subok ang kakayanan sa loob at labas ng bansa upang linangin ang kakayahan ng mga magsasaka na naayon sa lokal at international na pangangailangan (international market).

Upang bumangon ang pambansang pagsasaka sa pagpasok ng administrasyong Bongbong Marcos, kailangan ang katulad ni Joey Balingit Ortega, na nalinang ng 8 taon bilang Regional Director sa DiethelmKellerSiberHegner, isang Swiss holding company na nakatutok sa pagpapalago ng merkado sa 12 bansang ASEAN sa larangang ng “streamline supply chain”.

Taglay din nya ang kahusayan sa pamumuno mula sa mahigit isang dekada sa ibat’- ibang units sa pribadong San Miguel Corporation.

Sa tingin ni Ortega, tutukan dapat ang pagpapababa ng presyo ng pagkain lalo na ang bigas na naayon sa pangako ni BBM.

Kung kinakailangang rebisahin ang Rice Tarrification Law (RTL) ay pahalagahan upang masuri ang mga benepisyo nito sa pamamagitan ng pagpapababa sa production inputs ng mga magsasaka gaya ng binhi, irigasyon, pagbobodega, transportasyon at pataba.

Batid ni Ortega na karamihan ng ating mga magsasaka na karamihan’y matatanda masyado ay hindi nagbebenepisyo sa pag-unlad ng ekonomiya dahil sa baluktot na sistema ng arikultura. Limitado ang pagpaplano sa produksyon upang naka-angkla ito sa pangangailangan at supply.

Ang ayuda sa agrikultura ng pamahalaan ay hindi mahusay na nakabatay sa naaayon na teknolohiya upang pagbutihin
ang supply chain mula produksyon hanggang pagbebenta.

Bukod dito’t limitado ang pag-kokooperatiba ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa, tingin ni Ortega.

Nangangailang ang mga magsasaka ng buong suporta ng pamahalaan upang iababa ang production cost at mabigyan ang sapat ng financing upang maputol ang pagsasamantala ng mga middlemen na nagpapautang na
animo’y “panggigisa mismo sa kanila sa sarili nilang mantika”.

Kailangan natin ng sariwang kaisipan upang bumangon. Mga makabagong magsasakang sapat ang kakayahan upang pangalagahan ang buong proseso ng supply chain mula produksyon, pagmamanupaktura, packaging, warehousing, marketing at distribusyon nga mga produkto ng agrikultura.

Amianan Balita Ngayon