Author: Amianan Balita Ngayon

“BUKING ANG VOTE-BUYING NG PARTY-LIST GROUP”

Maagang nahubaran ng party-list na may dalawang letrang pangalan ang tunay na kulay at anyo nito nang mabuking na bumibili ng boto sa pamamagitan ng pag-issue ng mga identification cards sa mga botante sa Benguet. Tiyak laganap rin ang gawain ng nasabing party-list sa Baguio City at iba pang mga lugar dahil laman sa kalsadang […]

“TUGISIN ANG UTAK, OPISYAL AT GALAMAY NG NEW SEATAOO CORPORATION AND SEATAOO INFORMATION TECHNOLOGY, OPC (SEATAOO OPC)”

Nakapangulimbat ng limpak-limpak na salapi ang utak, opisyal at mga galamay ng New Seataoo Corporation at Seataoo Information Technology, OPC (Seataoo OPC) sa pamamagitan ng iligal na panglilikom ng investments sa ibat-ibang dako ng Pilipinas at marahil kahit sa abroad. Ayon sa mga dumulog at naghain ng pormal na reklamo sa Securities and Exchange Commission […]

“TULDUKAN ANG SMUGGLING NG PRODUKTONG TABAKO”

Malaking dagok sa ekonomiya ng bansa, hanggang sa libo-libong maliliit na nagtatanim ng tabako, ang smuggling ng sigarilyo at iba pa nitong by-products. Sa 2022 tala ng Euromonitor, mula 10.8 porsyentong illicit volume noong 2018, lumaki nang lumaki bawat taon mula 2019 hanggang umabot na sa 20.4 porsyento noong 2024. Samakatwid, sa P14.87B nawala sa […]

“BENEPISYONG MEDIKAL SA MGA PANGASINENSE”

Mahigit 80 porysento na ang natatapos sa itinatayong 55-bed community hospital sa barangay Gonzales, Umingan, Pangasinan. Malaking kapakinabangan ang ospital sa libo-libong mamamayan ng eastern Pangasinan na naisakatuparan lamang sa administrasyon ni Governor Ramon Guico III. Kalimitan, itinatakbo pa sa Baguio City General Hospital and Medical Center, tatlong oras ang layo, ang mga pasyenteng mula […]

“PANIBAGONG SIGLA NG CAMP JOHN HAY”

Pinapangarap ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang lubusang paglago ng kalakal o negosyo sa loob ng Camp John Hay nang mabawi nito ang 247-ektaryang inupahan ng pribadong developer. Sa katunayan, aabot sa P10B ang inaasahang malilikom na puhunan para matupad ang inaasam-asam na pag-unlad sa dating US rest-and-recreation base sa Baguio City. Rerepasuhin […]

“PANAGUTIN ANG UTAK AT GALAMAY NG F2M AGRI-FARM OPC SCAM”

Kinansela ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang rehistro ng Farm to Market (F2M) Agri-Farm OPC dahil wala itong kaukulang lisensya upang manguha ng investments katulad ng mga nauna nang nag-scam sa napakaraming Pilipinong umasang lalago ang pera. Ang F2M Agri-Farm OPC at mga sangay nitong F2M Tarlac City-Main Branch, F2M, F2M Paalaga System, Hog […]

MAGBABAGO BA ANG DESISYON NI PBBM SA POGO BAN KAUGNAY SA CAGAYAN EXPORT ZONE FREEPORT?

Nanindigan ang Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) na hindi ito sakop sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa tingin ni CEZA Administrator Katrina Ponce Enrile, ang mga licensees, kasama ang iGaming at interactive gaming support service providers ay iba sa mga PAGCOR-licensed POGOs. Bagamat nakikiisa umano ang CEZA sa […]

“PAGPUPUGAY KAY BROD DODONG NEMENZO JR.”

Hindi ko personal na nakadaupang-palad si Fraternity Brod Prof. Francisco “Dodong” Nemenzo Jr., o nakasama man lang kahit saglit sa anumang pagtitipon o naka-kapit-bisig sa anumang martsa sa lansangan bilang aktibista. Ngunit sa kasaysayan ng Pi Sigma Fraternity nakaukit ang kanyang pangalan dahil sa taos-pusong malasakit sa kapatiran at sa bayan bilang Brod, Akademiko at […]

“ILIGAL SABONG SA BAMBANG, NUEVA VIZCAYA, TSUPE SA MARAMING PAMILYA”

Maraming mga maliliit na magsasaka at mangagawang bukid ang nalululong sa iligal na sabongan malapit sa NVAT sa bypass, barangay Almaguer North, Bambang, Nueva Vizcaya. Malakas sigurado kay Mayor Benjamin ‘Jamie’ Cuaresma ang tambalan nina— Diego at Ambo — mga operator ng sabongan, dahil marahil ay mababaw ang bulsa ng dalawa na nakakapag-abot ng padulas […]

“ILLEGAL CANNABIS AGRICULTURE, UMAANGKOP NA RIN SA BAGONG TEKNOLOHIYA”

Napagtanto ng National Bureau of Investigation-Cordillera (NBI-CAR) na umaangkop na rin sa mga makabagong teknolohiya ang illegal na agrikulturang cannabis o marijuana. Nadiskubre ng mga operatiba ng pinagsanib na NBI-Cordillera at NBI-Alaminos District Office sa isinagawang raid sa sitio Asob-Lanikew, barangay Tacadang, Kibungan, Benguet, na pinangunahan mismo nina Regional Director, Atty. Diosdado Araos at Asst. […]

Amianan Balita Ngayon