Author: Amianan Balita Ngayon
“CHACHA PARA KANINO?”
December 23, 2023
Walang ‘por eber’. Lahat nagbabago. At mainam kung ang pagbabago ay para sa kapakanan ng higit na nakararami. Ito ang mahalagang usapin sa panibagong tulak ng charter amendments. Ngunit kung ang panibagong pagkukumahog upang baguhin ang Saligang Batas ay dahil gustong manatili sa Senado si Senador Robin Padilla, gumanap na lang siya muli sa sequel […]
“DIKTADURYA NG DPWHCAR SA -118M PROYEKTO SA KENNON ROAD”
December 16, 2023
Alergic ang mamamayan sa diktadurya. Lalo na kung malaking pondo ng bayan ang nababalahura, gaya ng pinapaimbistigahang P118M patrabaho ng DPWHCordillera Administrative Region (DPWH-CAR) malapit sa pamosong Lion’s head sa Kennon Road. Walang naisagawang konsultasyon umano sa pamahalaang lokal ng Baguio City o kahit man lang sa barangay na nakakasakop sa patrabaho at lalo na […]
NEGOSASYON NDFP AT GRP ITULOY NA!
December 9, 2023
Napakarami ang nagbubunyi sa narating na panimulang pag-uusap ng pamahalaang Marcos Jr. at National Democratic Front of the Philippines sa Oslo, Norway na nagbibigay daan sa maaring pagbubukas muli ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng dalawa. Ngunit malinaw kaya sa panig ng pamahalaan na mayroon nang mga kasunduan gaya ng Joint Agreement on the Safety […]
“LUMALAPAD ANG INTERES NG EKONOMIYANG US SA PAGMIMINA NG PILIPINAS”
December 2, 2023
Lalo pang lumalapad ang papel ng Amerika sa pagmimina sa Pilipinas, ngunit hindi lang sa balangkas ng mismong pagmina ng gold ore o iba pang mineral, kundi ayon kay US Ambassor MaryKay Carlson, sa pakikipagtulungan upang itulak ang responsableng pagmimina. Nakaraan na umano ang porma ng pagmiminang walang habas na pagkamal ng ginto kahit ano […]
“P1B NAIS UTANGIN NG NUEVA VIZCAYA, NGAYO’Y KONTROBERSIYA”
November 26, 2023
Malaking kontrobersiya at umaani ng batikos ang ninanais ng provincial government ng Nueva Vizcaya na pangungutang ng P1 bilyon mula sa Philippine National Bank. Kinukwestiyon ng minorya sa Sangguniang Panlalawigan si Governor Jose V. Gambito sa inisyatibong ito dahil sadyang mas mabigat umano ang sakunang idudulot ng pangungutang ng ganoong kalaking salapi kaysa benepisyo sa […]
“KANLUNGIN ANG MGA BIKTIMA NG PANGAABUSO”
November 18, 2023
Bukod sa ayudang legal sa mga kinakaharap na hinagpis ng mga naaabusong sekwal, lalo na sa mga kababaihang at kabataan, kailangangan isakatuparan na ng pamahalaan ang panukalang “Halfway House”. Naidulog na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ni Benguet Rep. Eric Go Yap ang House Bill 8966 sa pagtatayo ng “Halfway House”, hindi lamang sa Benguet […]
“BAKIT HINDI IPAIMBISTIGA SA KONGRESO SI DONG AT DPWH REGION 3?”
November 11, 2023
Malinaw pa sa sikat ng araw ang paglabag ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd district Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. sa tangangtangang kredibilidad ng isang mambabatas nang makipagsabwatan itong mapasakamay sa kumpanya ng kanyang pamilya ang P611,577,718.40 flood control mitigation projects sa Pampanga. Kasing-linaw din ang paglabag ng mga mataas na opisyal ng […]
“GALAWAN SA BSKE PANGITA LANG NG PHILIPPINE-STYLE ELECTION”
November 4, 2023
Muling bumulwak saan man sa Pilipinas ngayong halalang pambarangay at SK ang mga galawang pangita ng Philippine-style elections. Pera at kapangyarihan pa rin ang namamayani, kahit hindi man nais aminin ng mga nagmamalinis na pulitikong pambarangay. Sekondaryo o pangatlo na lang sa konsiderasyonang plataporma ng isang kandidatong pambarangay, dahil nauuna ang perang naiaabot o gamit […]
“PURSIGIDO BA ANG GOBYERNO KONTRA E-SABONG?”
October 28, 2023
Kung pursigido ang gobyernong BBM kontra electronic sabong, nagawa na sana nitong mahiling sa Regional Trial Court ng Urdaneta City, Pangasinan ang warrant of arrest laban sa 23 akusado sa esabong operation ng ‘Global Talpakeros-Online Sabong’. Ilang linggo naman nang hinihingi ng Office of the Provincial Prosecutor ng Pangasinan mula sa RTC Urdaneta City ang […]
“ANO ANG SANHI SA DI MATAPOS-TAPOS NA P77.177M TULAY SA BENGUET?”
October 21, 2023
Galit na rin si Benguet congressman Eric Go Yap kasabay ng nangagaliiting mamamayan ng La Trinidad, Benguet sa ‘di matapostapos na P77.177 milyong patrabahong Pines Park bridge sa barangay Balili, La Trinidad, Benguet. Nakatalagang matatapos sana itong multi-milyong patrabaho sa huling linggo nitong Oktubre, ngunit tila aabutin pa ng Oktubre 2024 dahil sa kupad ng […]