“KANLUNGIN ANG MGA BIKTIMA NG PANGAABUSO”

Bukod sa ayudang legal sa mga kinakaharap na hinagpis ng mga naaabusong sekwal, lalo na sa mga
kababaihang at kabataan, kailangangan isakatuparan na ng pamahalaan ang panukalang
“Halfway House”. Naidulog na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ni Benguet Rep. Eric Go Yap ang House Bill 8966 sa pagtatayo ng “Halfway House”, hindi lamang sa Benguet kundi sa buong bansa, upang maibsan ang hinagpis ng mga biktima.

Ayon sa House Bill 8900 ni Rep. Yap, sa kabila ng mga mekanismo upang tuunan ng pansin ang mga isyung gender-based violence tulad ng abusong pisikal at sekwal, nangangailangang maglatag ang pamahalaan ng “Halfway House” kung saan agarang ma-accommodate, reintegrate, ma-proteksyunan, maprotektahan, ma-suportahan at gamutin ang mga biktima (lalo na ang mga kababaihan at bata) ng “involuntary” o forced prostitution, illegal recruitment at armed conflict.

Nakakabahala na sa mismong probinsya ng Benguet, sa kabuuang tala ng pulisya’y pumapangalawa
ang kasong rape sa mga index crimes mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon (46 theft;
42 rape). Sa bayan ng Tuba pa lamang, 18 rape cases ang naitala mula Enero hanggang Setyembre
ngayong taon din mula sa 42 Violence Against Women Cases sa buong bayan.

Ayon pa sa Cordillera Regional Peace and Order Council (RPOC), Benguet ang nagtala ng
pinakamataas na kasong rape noong 2022, at lumalabas na bumabata ang mga nagiging biktima.
Hindi mabilang ang mga hinagpis, pangamba at pagkayamot ng mga nabibiktima, bukod pa sa
maaring paulit-ulit ang biktimisasyon kung mananatili sa dating bubong ang mga inaabuso, batid ni Yap. Hindi dapat hinahayaang mananatili at mauulit ang mga pangyayaring makakasira na nang tuluyan ang pagkatao ng mga biktima.

Kailangan ng mga biktima ng kakanlong sa kanila gaya ng “Halfway House” habang itinataguyod ang pagkamit ng hustisya. Isabatas na ang panukalang “Halfway House” sa buong bansa.

THE LOCAL LULLABIES

STL

Amianan Balita Ngayon