Bantay-dengue sa Pangasinan, pinaigting matapos ang baha

LINGAYEN, PANGASINAN – Lalong pinaigting ng Provincial Health Office (HO) ang pagbabantay sa dengue upang maiwasan ang inaasahang pagtaas ng sakit, matapos maranasan ng probinsiya ang malawak na pagbaha kamakailan.
“Areas which are flood-prone, or were flooded in our case, are potential breeding sites for mosquitoes. There may be stagnant water in our area due to receded floodwaters, we should constantly check it,” ayon kay Provincial Health Officer Dr. Anna Teresa de Guzman.
Base sa report ng PHO, ang mga kaso ng dengue sa probinsiya mula Enero 1 hanggang Hulyo 30 ngayong taon ay tumaas nang 104 percent kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, at ang mga lungsod ng Urdaneta, San Carlos at Alaminos ang nangunguna sa listahan.
“Ages 10 to 19 are the ones susceptible to dengue. The youngest fatality is a two-month-old infant, while the oldest is a woman aged 86 years old,” ayon kay de Guzman.
Pinaalalahanan din niya ang publiko na ang mas mabisang paraan upang maiwasan ang dengue ay ang pananatiling malinis na kapaligiran.
“We strongly recommend that the people clean their environment. They should regularly check places, which could potentially spawn mosquito larvae,” dagdag nito.
Samantala, patuloy ang PHO na magbigay ng serbisyo medical sa komunidad sa pamamagitan ng “Kalugusan Caravan” ng pamahalaang panlalawigan. A.PASION, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon