Category: Daplis Walang Mintis
Oplan Tokhang, sa PDEA na!?
October 14, 2017
Hindi ito fake news! Totoo ire, pards. Mismong si Pangulong Digong ang nag-atas sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na solo na itong mangunguna sa pagsasagawa ng “Oplan Tokhang” o anti-drug campaign habang pinagbawalan niya ang Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang law […]
Duterte, magpapabaril! Susmaryusep!
October 9, 2017
Mga sasantos at sasantas, gisingin ninyo kami baka kami ay binabangungot na! OMG!!! Ang isang pangulo, Duterte y Digong, magpapabaril? Sinong babaril at bakit? Saan at papaano? Susmaryusep na may rayuma! Fake news ba ire o blog lang ni Mocha? Di kaya ito ay panaginip naman ni Trillanes? Mga panis na tsismis! Mismong si Digong […]
Epal-litiko, bawal na???
September 30, 2017
Sabi nila, bata pa sina Adan at Eva uso na ang epalan o angkasan. Yun bang para maka-epal ka, angkas ka na. Kuha ninyo? Kahit daw sa panahon ni Poong Hesus, wala kayang epalan o palakasan sa mga Disipulo? Mahirap pakialaman ire pero marami na tayong mga birong narinig. Kaya nga daw may naghudas sa […]
Martial Law, Marcos/Duterte?
September 25, 2017
Kamakailan lang ay muling ginunita ang ika-45 anibersaryo ng Martial Law (1081) ni late Pres. Ferdinand Marcos. At gaya ng taunang kaganapan, muling nabuhay ang mga lansangan at mga parke sa pamamagitan ng mga protesta o rallies. Buong bansa ang naghayag ng saloobin hinggil sa mga naganap sa kung ilang taong namayagpag ang batas-militar ni […]
Pinay Buyangyang, ininsulto ang Pinas
September 18, 2017
Anak ng…? %$#@*&…, susmaryusep! Ano bang mga dumarating na kamalasan sa ating bansa? Di pa man nakakaalis ang dalawang bagyong (mga babae) Maring at Lanie, binagyo naman tayo ng ala-Huricane na balita na nabulatlat pa sa sang-munduhan. Nag-viral sa buong earth ang pagbubuyangyang ng isang Pinay-UK na ang ginamit pa namang theme song ang anak […]
Tagong yaman, ibabalik ng mga Marcos?
September 3, 2017
Hanooo??? este, anooo??? Ibabalik ng mga Marcos (daw) ang kanilang mga tagong yaman? Teka lang pards, medyo may na-wrong spelling yata tayo o mali ang pandinig! Ibabalik ba o isosoli? Teka, parang parehas din, eh! Spelling lang ang magkaiba, di ba? Kasi pag ibabalik, ibig sabyan ay may kinuha. Kahit pa isoli, ibig sabihin – […]
EJK, muling nagkabuhay?
August 27, 2017
EJK – Extra Judicial Killings, medyo namahinga nang ilang buwan pero muling nagkabuhay bigla nang mapatay ang isang 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos sa pamamagitan diumano ng mga pulis-Caloocan. Habang sinusulat ang espasyong ito, hindi pa rin tapos ang imbestigasyon. Ngunit sa puntong ito, marami na ang mga naglabasang ulat, kuro-kuro, reaksiyon, nasaksihan, […]
Droga, may katapusan pa kaya?
August 20, 2017
Marahil hirap nating sagutin ang tanong na ito: kung kailan matatapos ang problema sa salot na illegal drugs sa ating lipunan. Alam ng sang-munduhan na saka lang ito nahalukay nang husto nang umupo si Pres. Duterte. Alam din ng lahat na matagal na ang salot na ito at marami na ang naging biktima sa ating lipunan. Kaya […]
Kung totoo, ano na?
August 13, 2017
Kung totoong hindi na talaga matutuloy ang Barangay at SK election sa darating na Oktubre, ano kaya ang mangyayari? Samot-sari ang pananaw ng ating mga kababayan dito. May nababahala dahil kung tatagal pa sa puwesto ang mga salot, este, mga batik sa lipunan na barangay officials, ano na ang mangyayari sa ating bayan. Kung totoo […]
Sex scandal sa 13 anyos, ano ba ito?
August 6, 2017
Parang bulkang pumutok ang balita kamakailan hinggil sa diumano’y isang pari o Monsignor ang hinuli at ikinulong pa dahil sa isyu (daw) ng sex scandal. Grabe ang balitang ito dahil marami ang sumakay. Mantakin mong 13-anyos lang na dalagita ang dawit. Ayon sa mga ulat, ibinugaw ito na may kapalit na pera. Ang nagreklamo sa […]