Sa isang pahayag ng Department of Health (DOH) ukol sa muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay nakitang hindi kailangan na muling ipatupad ang mandatory o sapilitang pagsusuot ng facemask na tuntunin. Sa ngayon daw, ang kasalukuyang polisiyang boluntaryong pagsuot ng facemask ay maaaring panatilihin hangga’t batid ng mga tao kung kailan […]
Lumipas ang mahigit 20 taon mula ng ipasa ang Republic Act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, ang pamamahala sa basura ay nananatiling isang malaking isyu sa bansa ayon sa Commission on Audit (COA). Sa kamakailang audit report nito ay sinabi na may kabuuang 9.07 million metric tons ng basura […]
Muli ay nakakaalarma ang muling paglusob ng mga ilang iskwater sa Busol at Buyog watersheds na kapuwa opisyal na deklaradong forest reservation areas at pangunahing pinagmumulan ng malinis na maiinom na tubig para sa mga mamamayan at residente ng Lungsod ng Baguio. Ang Busol watershed ay sakop ng Proclamation 15 noong Abril 17, 1922 na […]
Sa inilabas kamakailan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang resulta ng kanilang Labor Force Survey (LFS) para sa Pebrero 2023 kung saan ayon sa kanila ay nagpapakita sa kasalukuyang sitwasyon ng merkado sa paggawa kung saan ay nakakabawi na raw at patuloy ang pagbuti ng sitwasyon sa empleo ng bansa. Ikinatuwa ito ng Department of […]
Sa tuwing sasapit at lalabas ang mga resulta ng isang isinagawang pagsusulit sa pagka-abogasya o ang tinatawag na Bar exam ang pinakahihintay na malaman ay kung sino-sino ang pumasa at kung sino-sino ang mga Bar Top-notchers. Marami na ang mga pangalang nag-ukit ng mga kauna-unahan sa Bar exam, subalit ang lahat ng ito ay napalis […]
Kamakailan ay pinahusay ng mga opisyal ng lungsod ng Baguio ang Ordinance No. 12 series of 2013 na nagtatag sa Public Utilities Monitoring Program para sa mga opisina ng gobyerno at mga gusali at magbibigay ng mga insentibo para sa episiyenteng paggamit at pagpapababa sa konsumo ng tubig at elektrisidad. Sa ilalim ng Ordinance No. […]
Nang biglaang tinupok ng malaking sunog ang malaking bahagi ng Baguio City Public Market lalo na ang lugar ng Block 3 at Block 4 noong Marso 11, 2023 ay tila napaaga ang kalbaryo ng nasa halos 2,000 vendors – nauna nilang ginunita (naranasan) ang sinasabing kalbaryo ng Panginoong Hesus tuwing sumasapit ang tradisyunal na Semana […]
Tapos na ang La Nina at parating na rin ang El Nino na ayon sa PAGASA ay maaaring mabuo sa Hulyo-Agosto-Setyembre ngayong taon na maaari ding magpatuloy hanggang 2024. Dahil dito ay nag-isyu ang mga meteorologists ng bansa ng El Nino Watch dahil ang mga kondisyon ay paborable sa pagbuo ng El Nino sa loob […]
May ilang problema na patuloy na nagpapahirap sa sistema sa pangangalaga ng kalusugan sa Pilipinas. Nandiyan ang napakamahal na presyo ng mga branded na gamot na 22 beses mas mataas kaysa sa international reference prices habang ang generic drugs ay 4 na beses na mas mataas. Sa kabila ng mga pagpapababa ng presyo sa pamamagitan […]
Habang libong tao ang patuloy na binibilang ang kanilang lugi matapos ang mahiwagang sunog na tumupok sa malakahing bahagi ng Baguio City Public Market partikular sa Block 3 at Block 4 ay nanawagan si Mayor Benjamin Magalong ng pasensiya. Sa halos 2,000 vendors na naapektuhan na maraming dekada nang nakapuwesto doon, ang sunog sa pampublikong […]