Ang Hulyo 26, 2021 ay maitatalang makasaysayang araw para sa Pilipinas at sambayanang Pilipino dahil sa pagkapanalo ni Hidilyn Diaz sa 55 kg weightlifting competition sa 2020 Tokyo Olympics, nasungkit niya ang gintong medalya. Ang panalong ginto ni Diaz ay ang kaunaunahang medalyang ginto ng Pilipinas na pumutol sa 97 taong pagkagutom mula nang sumali […]
Noong Mayo ay idineklara ng World Health Organization (WHO) ang Delta variant na “variant of concern” (VOC). Ginagamit ng WHO ang pagtukoy kung nakikita nito ang mga ebidensiya na ang isang Covid variant ay mas madaling makahawa na nagdudulot ng malubhang sakit, ng mas malalang mga sintomas o binabawasan ang pagiging mabisa ng mga bakuna […]
Noong Hulyo 1 ay naglabas ang ilang pambansang pahayagan ng mga istorya ukol sa isang World Bank Report sa mahinang pagganap (poor performance) ng mga Pilipinong magaaral sa tatlong international assessments na sinalihan ng Pilipinas noong 2018 at 2019. Sa kontrobersiyal na report ng World Bank na maagang nailathala at may pamagat na “Improving Student […]
Ang asasinasyon o pataksil na pagpatay ay ang gawang pagpaslang sa isang prominente o importanteng tao, gaya ng mga pinuno ng estado, mga pangulo ng gobyerno, mga politiko, maharlika, mga kilala at sikat na tao, o mga matataas na ehekutibo o opisyal ng mga negosyo. Ang asasinasyon ay maaaring udyok ng mga motibong pulitikal at […]
Ang paglaganap ng COVID-19 bilang isang pandaigdigang pandemya ay puminsala sa mga pang araw-araw na pamumuhay ng mga bata at pamilya sa buong mundo, na may agaran at pangmatagalang epekto. Kahit pa bago ang pagputok ng COVID-19 ay kinikilala ng pandaigdigang komunidad ang karahasan laban sa mga bata na isang pandaigdigan at talamak na umaapekto […]
Naging malaking usapin at tampulan ng debate ang pagsusuot ng “face shield” sa ibabaw ng pagsusuot ng face mask. Lalo pa itong uminit nang gawing “mandatory” o sapilitan ang pagsusuot nito na umani ng samo’t-saring reaksiyon mula sa mga tao. Ginawang sapilitan ang pagsusuot ng face shield sa bansa noong Disyembre 2020 na kalauna’y iminungkahi […]
Hindi pa nakakabawi ang DepEd o Department of Education sa mga puna at batikos sa mga naglabasang mali sa mga self-learning modules at iba pang ginagamit na learning materials ng mga estudyante sa kanilang basic education sa ilalim ng “blended o distance learning” ng nakaraang taon sa gitna ng pandemya ay muling sumambulat ang isang […]
Ang deklarasyon ng kalayaan ay isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang ating bansa ay sinakop ng maraming bansa sa loob ng daang taon. Napakasarap isipin na nakamit ang kalayaan matapos ang lahat ng paghihirap na pinagdaanan. Walang kasing-halaga ito. Ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay ipinagdiriwang tuwing Hunyo 12 mula pa […]
Ang kaligiran ay naging at palaging magiging bahagi ng buhay ng sangkatauhan. Gusto man natin o hindi ay maaapektuhan tayo sa maraming pamamaraan kaya hindi katakataka na dumarami ang mga batas para proteksiyunan at pangalagaan ang kaligiran hindi lamang dito sa bansa kundi maging sa buong mundo. Importante ang mga batas sa proteksiyon ng kaligiran […]
Lumalabas na ba ang pambihirang klase ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte upang labanan ang pandemya ng coronavirus? Noong Abril 1, 2020 ay ipinahayag ni Duterte sa isang biglaang pambansang anunsiyo ang maikli at maliwanag na mensahe: Iniutos niya sa pulis at militar na kung may gulo o ang sitwasyon ay manganib ang buhay nila […]