Category: Editorial

Makarating sana ang ayuda sa mga karapatdapat: walang labis, walang kulang

Kamakailan ay inilunsad ng gobyerno ang “Social Amelioration Package” (SAP) ng Bayanihan to Heal As One Act bilang bahagi ng pagtugon nito sa krisis dulot ng COVID-19 at may layong ibsan ang epekto sa “socio-economic” ng krisis sa kalusugan ng COVID-19 at mga alituntunin ng Enhanced Community Quarantine (ECQ). Ilang mga ahensiya ng gobyerno ang […]

Mga mamamahayag ay “frontliners” din sa anumang laban

Ang pagiging isang peryodista o mamamahayag ay hindi madaling trabaho. Hindi ito naging isang walang-hirap at walang problemang propesyon. Nakakarating ang mga peryodista kahit saan upang maiulat ang sensitibo at kontrobersiyal na mga isyu sa interes ng publiko. Nakikita nila minsan ang mga sarili nila na personal na nauugnay sa mga istoryang sinusubaybayan at trinatrabaho […]

Maagang pagkontrol, proteksiyon at karagdagang pasilidad sa kalusugan ihanda na

Tinawag ng World Health Organization ang COVID-19 outbreak na iniuugnay sa transmisyon ng novel coronavirus (SARS-CoV-2) na isang global pandemic o pandaigdigang pandemya. Unang napaulat ito sa Wuhan, China noong Disyembre 31, 2019, at ang virus ay mabilis na kumalat sa mga kontinente at mga bansa, na may lubhang tumataas na bilang ng kumpirmadong mga […]

Hati ang gobyerno at mamamayan sa pasugpo ng COVID-19

Inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong isla ng Luzon sa ilalim ng “enhanced community quarantine” na kahit ayaw gamitin ng gobyerno ang salitang “lockdown” ay ito rin pakahulugan nito ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano hanggang Abril 12 upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng impeksiyon ng […]

Paglaban sa COVID-19 responsibilidad ng bawat isa

Ang COVID-19 ay isa nang pandemic na kumakalat ng napakabilis na anumang tala ng mga impeksiyon at kamatayan ay dumarami na. Ang mga kaso sa labas ng China ay tumaas ng 13-beses sa nakalipas na dalawang linggo, na ang bilang ng mga impeksiyon sa buong mundo ay mahigit nang 126,000 hanggang Marso 12 at naapektuhan […]

Kailangan ang sama-samang pagsupil sa ASF

Ang African Swine Fever (ASF) ay isang mapaminsalang hemorrhagic fever ng mga baboy na may mortality rates na malapit sa 100 porsiyento. Sanhi ito ng pagkalugi sa ekonomiya, banta sa seguridad ng pagkain at nalilimitahan ang produksioyn ng baboy sa mga apektadong bansa. Wala pang bakuna laban sa virus na naglalagay sa mga mahihirap na […]

Pagbuhay sa GMRC napapanahon at kailangan na

Sa lumang curriculum ng ating basic education program, isang subject na tinatawag na “Good Manners and Right Conduct” o GMRC ay bahagi ng regular na basic education curriculum. Kalauna’y tinanggal ito bilang isang regular subject at isinama sa Social Studies at iba pang kaugnay na subjects. Sa magkahiwalay na panukalang batas ng Kongreso at Senado […]

May ginhawa at katiwasayan sa pagbabalik-loob

Gumawa ang gobyerno ng isang mahalagang hakbang sa pagharap sa napakatagal ng mga isyu dulot ng 50 taong pamamayagpag ng Communist Party of the Philippines na pinalakas ng hukbong sandatahan nito, ang New People’s Army at political arm na National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Sa loob ng maraming dekada ay ipinaglalaban ng tinaguriang communist-terrorist groups (CTG) […]

Tayong lahat ay maaaring maging biktima ng nCov, pag-iingat kailangan

Nasa mataas na alerto ang Department of Health (DOH) sa 2019 novel coronavirus (2019- nCoV). Dahil sa virus ay nagkasakit ang mahigit 30,000 katao sa China at iba pang bansa sa Asia, Europe, North America, at Australia at pumatay sa mahigit 600, karamihan sa kanila mula Wuhan, China kung saan nagsimula ang impeksiyon. Ang opisyal […]

Huwag naman dumating ang panahon, pati hangin may bayad na rin

Hindi naman maikakaila na ang lungsod ng Baguio ay nananatili pa ring isang pangunahing destinasyon ng mga turista sa bansa dahil sa patuloy ng pagdagsa ng mga foreign at domestic tourists sa mountain resort city, kahit pa may mga negatibong publisidad. Patuloy na sumasandig ang Baguio sa malamig na klima nito bilang natural na pang-akit […]

Amianan Balita Ngayon