Ang panahon ng kapaskuhan at ang pagsapit ng bagong taon ay mga araw na napakahalaga at pinaghahandaan ng lahat ng tao, lalo na ng mga Pilipino na sa katunayan ay may pinakamahabang panahon ng pagdiriwang ng kapaskuhan. Sa mga araw ring ito inaasahan at ipinapanalangin ng marami (lalo na ng mga Kristiyano) na magkaroon ng […]
Nakikilala ang lahi ng isang mamamayan sa kaniyang katutubong wika. Patunay din ang wika sa pagiging makabayan ng isang tao, subalit bukod sa kaalaman at kahusayan sa pagsasalita ng isang wika ay kailangan ding may kaalaman o mas tamang bihasa ang isang mamamayan sa mas malalim pang nilalaman ng kaniyang wika at lahi. Bilang isang […]
Kung kayo ay mahilig magmura at bumulalas ng mga malalaswang salita ay marahil hindi na kayo katanggap-tanggap sa lungsod ng Baguio. Isang ordinansa na ang ‘Anti-Profanity’ o bawal na ang magmura sa lungsod. Ipinagbabawal na sa Baguio ang panlalait, pagsusumpa, malaswa o mahalay at iba pang mapanglapastang na pananalita na kalimitang binibigkas kapag nagugulat o […]
Nauna ng nagbabala ang mga eksperto na ang panganib ng mga pagguho ng lupa sa Pilipinas na isa sa pinakamalapit sa sakuna na mga bansa sa buong mundo ay lubhang tumataas na. Ayon sa mga espesiyalista sa pananaliksik ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na dahil sa pagbabago ng kondisyon ng panahon at dami ng […]
Marami pa ring Local Government Units (LGUs) sa bansa ang nahihirapang tugunan ang itinatakda ng solid waste management law o ang Republic Act (RA) No. 9003, ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Isang malaking pahirap ay ang malaking nagagastos sa pagpapatupad sa nasabing batas at kawalan ng lupang magagamit at kung mayroon man […]
Itinayo noong 1978 ang Baguio Convention Center (BCC) sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos sa ilalim ng noo’y Ministry of Human Settlements na pinamunuan ni dating Unang Ginang Imelda R. Marcos sa sentro ng isang lumalagong lungsod noon sa Cordillera. Isa ito sa pinakamatanda at pinakamalaking pasilidad sa Norte kung saan ginagawa […]
Nitong nakaraang linggo ay inaprubahan na ng Senado ang panukalang Universal Health Care (UHC) bill na layong bigyan ang lahat ng Pilipino ng access sa health care coverage at services. Ang Senate Bill 1896 o ang Universal Health Care for All Filipinos Bill ay nais gawing awtomatikong miyembro ang lahat ng Pilipino sa isang ‘National Health […]
Ang huling kaso ng pagpatay sa alkalde ng Sudipen, La Union at ikinasugat din ng kaniyang asawa na siya ring bise-alkalde ng bayan ay nagdulot na naman ng panibagong pangamba na ang batas at kaayusan sa bansa ay nasa mahina ng kalagayan at tila lumalala pa. Nasa 16 na ang bilang ng pinapatay na mayor mula […]
Ang National Indigenous Peoples Month ay ginugunita tuwing buwan ng Oktubre sa bisa ng Proclamation No. 1906 at Proclamation No. 486 na idinideklara ang Oktubre 29 bilang National IP Thanksgiving Day kaalinsabay ng ika-21 taon anibersaryo ng Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) at kaugnay nito ay hinihikayat ng Regional Development Council (RDC) at National Commission […]
Tunay na pinagpala ang mga kabundukan ng Cordillera ng mga yamang-mineral lalo na ang ginto na sa katunayan ay mula pa noong ika-14 na siglo ay nagmimina na ang mga ninunong katutubo dito. Subalit ang pagmimina noon ay hindi para sa pangkabuhayan kundi isang uri lamang ng pamumuhay ng mga naunang katutubo noon – hindi […]