Estudyanteng kontra gobyerno…Tatagpasin and scholarship

Asus… isa na namang Maryusep ang naganap, mga pards kamakailan. Ala, e…ano ba ireng upak kontra sa mga estudyanteng kontra-gobyerno?

Tatagpasin ang kanilang scholarship sa mga paaralan ng estado? Naku ha! At sinong pontio-pilato ang nagsabi niyan? Sige..diyan lang kayo, mga pards at hahambalusin nating uupakan
ang isyung ire:

Ganire yan, kabayan. Kamakailan, nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte si National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema na bawiin ang scholarships ng mga estudyanteng “antigovernment”.

Partikular na tinukoy ni Cardema ang mga estudyanteng sumasapi sa CPP, NPA at National Democratic Front (NDF). Sabi niya na dapat daw magpalabas ng kautusan (Executive Order) ang
Pangulong Duterte para alisan ng schoilarships ang lahat ng mag-aaral na “antigovernment”. Hindi lang yan, may paghimok pa si Cardema sa mga opisyales ng Sangguniang Kabataan (SK), Reserve Officers Training Corps (ROTC), at Citizen Army Training (CAT) na i-report daw sa pamahalaan ang mga pinaniniwalaang sangkot sa CPP-NPA-NDF sa kani-kanilang lugar na nasasakupan.

O, grabe di ga? Ala, e sino ga nga naman ang hindi magpapanting ang teynga, eh! Sus ginoo! Sabi nga nila: ano bang nakain ng NYC chairman at ganoon na lang ang ibinuka ng ngalangala nito? Sige, sundan ang mga kaganapan, kabayan:

Anong say ng Malakanyang? Ayon, pards…agad kinontra ng palasyo ang panukala ni Cardema. Sabi: ginagarantiyahan ng Konstitusyon ang karapatan ng mga mag-aaral para sa “peace assembly at freedom of expression”, ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo.

Ayon sa kanya, mawawala lamang ang scholarship ng mga kabataang estudyante na ito kapag mayroong matibay na ebidensiya na kasama sila sa mga grupong nagnanais pabagsakin ang pamahalaan.

Dagdag pa niya na ang pagsali sa rally ng mga estudyante ay hindi maituturing na krimen. Puwera na lamang daw kung sumama sa pagpapabagsak sa gobyerno kasama ng NPA sa pamamagitan ng arm struggle dahil ito ay krimen. Maliwanag, di ga? Ala, e…supalpal diyan ang gustong mangyari ng NYC chairman, di ga kabayan? At
para mas malinaw…narito ang buod na sinabi ni chairman Cardema: “Nananawagan po ako kay Pangulong Duterte bilang head of our government to remove the government scholarships of all rebellious, anti-government scholars.

Nilalabanan niyo ang ating mga pulis, ang ating mga sundalo ang nilalabanan niyo at gusto niyong ipabagsak ang ating gobyerno at kayo ay government scholars”. Ang sagot ng Malakanyang sa
pamamagitan ng spokesman nito na si Salvador Panelo – “ Mere membership alone would not suffice. You have to show evidence that one, you joined because you want to fight the government”. Sa puntong ito ay tapos na ang laban, di ba?
******
Dahil sa hiling na yan ni Cardema, may mga senador ang umupak din kontra sa kanya. Katunayan, sinabi ni Sen. Chiz Escudero na ignorante sa Konstitusyon si NYC Chairman Cardema sa kanyang kahilingang tanggalin ni Pangulong Duterte bilang mga “eskolar ng bayan” ang mga estudyanteng lumahok sa kilosprotesta laban sa gobyerno.

Sabi ni Senador Chiz na malinaw na nakasaad sa Konstitusyon ang Freedom of Speech at kalayaan ng sinumang magdaraos ng protesta kaya ayon sa senador, ignorante sa konstitusyon si Cardema at siya ang dapat tanggalin sa puwesto, hindi ang mga iskolar ng bayan.

Malaking aray ire, di ga kabayan? Mismong si Pres. Duterte pa ang nagsabi na karapatan ng mga nagproprotesta na ihayag ang kanilang damdamin sa gobyerno. Huwag lang sumapi sa mga grupon gustong pabagsakin ang pamahalaan dahil ituturing na silang mga kaaway. ‘Yun, sing-liwanag na ng buwan at araw ang isyu.

Tanong: papano na kaya si NYC chairman Ronald Cardema? Abangan ang susunod na kabanata. Adios mi amor, ciao, mabalos!

MP Awardees

Amianan Balita Ngayon