Category: Police Patrol

1 minero, ginulpi ng 2 lalaki sa bar

Huli ang dalawang lalaki matapos manggulpi sa loob ng isang bar sa Palangdao Building, Lakandula Street, Baguio City noong ika-11 ng Hunyo 2017, bandang 8 ng gabi.

2 lalaki, dinakip sa pasugalan

Timbog ang dalawang lalaki matapos naaktuhan ng mga awtoridad sa illegal na pasugalan sa loob ng Sagada Bar, Jacinto Street, Baguio City noong ika-9 ng Hunyo 2017, bandang 11:45 ng umaga.

Brgy. chairman, 5 pa nahulian ng armas sa Pangasinan

BALUNGAO, PANGASINAN – Isang barangay chairman ang kasama sa anim na kataong naaresto ng mga pulis na sabay-sabay na sinalakay ang iba’t ibang bahay sa Barangay San Julian, Balungao kamakailan kung saan nasamsam ng kapulisan ang maraming armas, kasama ang isang hand grenade, ayon sa ulat ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO).

Lalaki na bukas-kotse, naaktuhan

Huli sa akto ang isang lalaking pinipilit buksan ang isang sasakyan na nakaparada sa Upper Session Road, Baguio City noong Hunyo 1, 2017 bandang 8:50 ng gabi.

18 anyos na lalaki, arestado sa pananaksak

LA TRINIDAD, BENGUET – Nagtamo ng sugat sa kaliwang braso at sa kanang dibdib ang isang trabahador ng bakery habang nasugatan din sa likod ang kasama nito matapos silang pagsasaksakin ng isang lalaki bandang 2:55 ng madaling araw ng Hunyo 1, 2017 sa harap ng Valley Bread building sa Buyagan, Poblacion, La Trinidad Benguet.

6 NPA camps, nakubkob ng militar

BAGUIO CITY – Anim na pinaniniwalaang kampo ng mga rebeldeng New People’s Army ang nakubkob ng mga sundalo, kasabay ang pagkakadiskubre sa kagamitan sa paggawa ng pampasabog sa lalawigan ng Kalinga. Sa bulubunduking lugar sa masukal na kagubatan ng Balbalan, Kalinga ay nadiskubre ng mga tauhan ng 50th Infantry Battalion ng Philippine Army ang isa sa […]

Improvised na fuse ng bomba, nakita sa gilid ng kalsada

Tabuk City, Kalinga – Nadiskubre ng mga miyembro ng Philippine Army ang walong fuse na maaaring gamitin sa paggawa ng improvised na pampasabog sa gilid ng kalsada sa sitio Cullayanan, barangay Junction sa Pinukpuk, Kalinga. Ang naturang mga fuse ay kinumpiska ng 50th Infantry Battalion sa pangunguna ni Corporal Angel Adducul matapos silang makatanggap ng […]

Negosyante, patay sa Pangasinan

Malasiqui, Pangasinan – Isang negosyante ang patay matapos itong barilin ng gunman sa harap ng kaniyang tindahan sa Poblacion, Malasiqui alas sais ng umaga ng Miyerkules.

Amianan Balita Ngayon