1 patay, 1 pa sugatan sa nahulog na truck sa Benguet

Patay ang driver ng isang truck na naglalaman ng mga semento habang ang kasama nito ay malalang nasugatan nang bumulusok ang truck sa bangin ng Itogon, Benguet, tanghali ng September 28, 2017.
Nagtamo ng severe head injuries si Jessie Masda Pucay, 30 anyos, nang mahulog ang truck ng Camilo Trucking na puno ng semento na kaniyang minamaneho sa halos 300 meter na bangin sa Sitio Tapak, Ampucao, Itogon; na siya nitong ikinamatay.
Nakaligtas naman ang kasama ni Pucay na si Jenar Carias Etop, 30 anyos, nang tumalon ito palabas ng sasakyan at umakyat mula sa bangin habang humihingi ng saklolo.
Ayon sa pulisya, si Pucay at Etop ay kapwa lasing at papunta sana sa Baguio City nang maganap ang insidente. ACE ALEGRE

Amianan Balita Ngayon